Chapter 7
Chapter 7
MASAYANG napangiti si Cassandra nang makita sa hardin ang nakatalikod na bulto ni Jethro. Kahit pa
sinabi na sa kanya ng kasambahay na naroon ang binata sa bahay at siya ang sadya ay hindi pa rin
siya makapaniwala.
Hindi niya inaasahang bibisita si Jethro sa kanya, lalo na at pinagbabaan siya nito ng telepono.
Kinapalan pa man din niya ang mukha sa pagtatanong ng numero nito kay Christmas. At nakumpirma
ang hinala niyang nagpalit na nga ng contact number ang binata nang iba ang ibigay ng hipag.
Dahan-dahang humakbang siya palapit. "Jet, I'm glad to see you. Pupuntahan nga sana kita bukas-"
Pero agad na naglaho ang ngiti niya nang madilim ang anyong humarap si Jethro. "Ano'ng sinabi mo
kay Dana? Bakit siya biglang aalis? Just what the hell are you planning, woman?"
Nagpapaunawang hinawakan niya sa braso ang binata na agad rin nitong inalis. Gusto niyang batukan
ang sarili. Bakit ba umasa-asa pa siya na maganda ang dahilan ni Jethro sa pagdalaw sa kanya?
Napabuntong-hininga siya. ''Humingi lang naman ako sa kanya ng ilang araw para makasama ka...
bago ka man lang sana ikasal. She gave me thirty days-"
Napalunok si Cassandra nang makita ang pagtatagis ng mga bagang ni Jethro. Sa buong buhay niya
ay ngayon pa lang niya nakitang nagalit nang husto ang binata... at sa kanya pa.
"When will you start caring about what others feel, Cassandra? Ni hindi mo man lang inisip ang
nararamdaman ni Dana. Heck, napaka-immature mo pa rin talaga-"
"I'm the worst person to love, masama akong tao, nang-iiwan ako sa ere, immature ako. And I deserve
this. Oo, alam ko na 'yon." Kahit na nasasaktan ay sinalubong niya ang nagbabaga sa galit na mga
mata ni Jethro. God... where did her Jethro go? "But those words don't hurt me, Jet. What hurts me is
the way you look into my eyes and make me feel that you regret ever loving me. Because I've never
been so happy... until you fell in love with me."
"Damn it, Cassandra!" He glanced sharply at her. "Hanggang kailan mo ba paglalaruan ang mga tao sa
paligid mo?"
Tuluyan nang nangilid ang mga luha niya. "Damn it, Jet. Hanggang kailan ka ba magbibingi-bingihan
sa mga paliwanag ko?"
"You're a hopeless case," sa halip ay napapailing na wika ng binata bago siya tinalikuran.
"If I missed you one day, what will I do?" halos pasigaw na tanong ni Cassandra. Nahinto sa
paghakbang si Jethro. "At least ngayon, nalalapitan pa rin kita kahit paano. Pero paano na lang kapag
ikinasal ka na?" Muli siyang naglakad palapit sa binata at masuyo itong niyakap mula sa likod. "If I
want to see you and hold you like this, what will I do? Naiintindihan mo na ba kung bakit kailangan ko
ng thirty days man lang?" Belonging © NôvelDram/a.Org.
"So pagkatapos ni Chad, ako na naman?" mayamaya ay mapait na sagot ni Jethro.
Napailing siya. ''No, Jet. Chad is dead. Namatay siya sa Canada, five months after I left. Nang magkita
kami uli noon, sinabi niya sa aking may kidney cancer siya."
He gasped. Naramdaman ni Cassandra ang sandaling tensiyon sa mga balikat ni Jethro bago nito
binaklas ang mga braso niyang nakayakap dito. "At naghahanap ka na naman ng reserba, gano'n ba?
So typical of you, Cassandra."
Napapagod na tuluyan nang lumayo si Cassandra. Gaano ba kalalim ang iniwan niyang sugat sa puso
ni Jethro para hindi na ito muli pang magtiwala sa kanya? Punong-puno ng pagsisising napatitig siya
sa binata. Kung maibabalik niya lang ang nakaraan, sana ay hindi agad siya umalis nang hindi
nakakapagpaliwanag nang maayos. Pero naging ganid siya sa oras at panahon dahil ginusto niyang
madaliin ang lahat. She wanted to change... desperately, so she could go back to him as soon as
possible.
Nalulungkot na itinulak niya nang marahan si Jethro palabas ng gate. "Pagod ka lang siguro. Bukas na
tayo mag-usap... para hindi ka magsawa kaagad. After all, thirty days rin ang meron tayo. So don't be
too excited to talk to me..." And to walk away from me, gusto sana niyang idagdag pero sa huli ay
nagdalawang-isip siya.
"GOOD MORNING!" nakangiting bati ni Cassandra sa bagong gising na si Jethro na bumungad sa
kusina. Madaling-araw pa lang ay nagpunta na siya sa bahay ng binata dala ang mga pinamili at doon
nagluto ng mga paborito nitong pagkain. Mabuti na lang at kasundo niya pa rin ang mayordoma at
nang makita siya ay dali-dali siyang pinapasok. Nakipagkwentuhan pa sa kanya ang matanda habang
nagluluto siya.
"Goodness, Cassandra!" Bahagyang namamaos pa ang boses na sinabi ni Jethro nang siguro ay
makabawi sa pagkabigla. "Ang aga-aga pa para manira ng araw. Bakit ka-"
Hindi niya pinansin ang pang-iinsulto ng binata. "Bakit ako nandito? Simple lang. Today is the start of
my thirty days with you." Ipinasok niya ang mga kamay sa bulsa ng apron na suot para itago ang
panginginig ng mga iyon nang makita ang galit na namang anyo ni Jethro. Ayaw niyang sayangin ang
pagkakataong ibinigay sa kanya ng fiancée nito. Nang nagdaang gabi lang ay nag-text sa kanya si
Dana at sinabing inihatid na raw ito ni Jethro sa airport papuntang Cebu. Kaya lumalabas na ngayon
ang unang araw sa ibinigay nitong palugit.
Itinuon niya na lang ang pansin sa mukha ni Jethro. Kahit bagong gising at nakasuot lang ng simpleng
asul na sando na tinernuhan ng asul ding pajama ay napakagwapo pa rin nitong tingnan. Pinigilan niya
ang sariling lapitan ang binata at suklayin gamit ang sariling mga daliri ang bahagya pang magulong
buhok nito.
Malakas siyang tumikhim. "Nagluto nga pala ako ng mga paborito mo." She stepped aside to give him
full access to the dining table. "Sinangag na maraming bawang, beef caldereta, paksiw na bangus at-"
"I'm sorry. I lost my appetite."
"Don't break my heart like this, Jet. Please," Nakikiusap na wika niya nang hindi man lang pinansin ni
Jethro ang mga nakahain sa mesa, at sa halip ay kumuha ng isang basong tubig.
"I'm starting to get the whole thing, you know," mayamaya ay wika nito pagkababa sa wala nang
lamang baso. "While the fiancée is away, the ex-girlfriend comes out and play. Gano'n ba ang gusto
mong gawin, Cassandra?"
Nagtitimping napabuga siya ng hangin. "I know it will be your greatest delight to see me give up, Jet.
But guess what?" Muli siyang ngumiti. "I won't. Insultuhin mo na ako hanggang gusto mo. If nothing
changes after thirty days, you will never see or hear from me again. Pero kung sa loob ng mga araw na
'yon ay nakasilip ako ng kaunting pag-asa na may lulugaran pa ako kahit kaunting space lang diyan sa
puso mo," dinuro niya ang dibdib ng binata. "ipaglalaban ko, Jet. I will fight for the smallest part in your
heart."
Natigilan si Jethro bago mayamaya ay sarkastikong ngumiti. "Nice line, Cassandra. Keep up the lousy
work."
"HINDI KO KAYANG tanggapin na mawawala ka na sa akin. Napakasakit na marinig na ayaw mo na
sa akin. Hapdi at kirot ang dulot sa aking damdamin."
Naiiritang bumangon si Jethro mula sa pagkakahiga sa kama nang marinig ang pamilyar na
nagwawalang boses na sa palagay niya ay nagmumula lang sa labas ng kanyang bahay.
Dismayadong naihilamos niya ang mga kamay sa mukha. Pagod siya sa maghapong trabaho sa
opisina, idagdag pa ang tensiyong dulot ng paulit-ulit na pag-text at pagtawag sa kanya ni Cassandra
dahilan para i-off na muna niya ang kanyang cell phone. Paggising niya sa umaga at pagdating niya sa
bahay ay si Cassandra pa rin ang bubungad sa kanya. Ngayon, pati ba naman sa oras ng pahinga niya
ay hindi siya patatahimikin ng dalaga?
Damn, damn, damn! Kung nagkataong bastos lang siya ay malamang na ipina-escort na niya si
Cassandra sa mga gwardya niya sa labas. Pero hipag pa rin niya ang dalaga.
Nakahinga nang maluwag si Jethro nang biglang tumigil si Cassandra. Pero mayamaya naman ay
nakarinig siya ng tawanan. Salubong ang mga kilay na tumayo na siya at sinilip ang mga ito sa
veranda. Natigilan siya nang makita ang anyo ng dalaga.
Nakapulang sleeveless na bestida si Cassandra na hanggang tuhod lang ang haba at sandals na
kapareho rin ng kulay ng suot na damit. Nakalugay ang mahaba nitong buhok. At kahit na walang
make-up ay babaeng-babae ang dating. Nakasira nga lang sa ayos nito ang hawak na lumang gitara
na sa pagkakatanda niya ay gitara pa ng kapatid niya na naka-display na lang sa guest room ngayon.
"Ma'am, baka kaya hindi kayo nilalabas ni Sir ay dahil ayaw niya sa kanta." Nangingiting sinabi kay
Cassandra ng katabing mayordoma na noon pa man ay kasundo na ng dalaga, hindi tulad ng pormal
na pagtrato nito kay Dana. Kumunot ang noo ni Jethro. Nasaan na ang loyalty nito? "Hindi na po kasi
uso ang ganyang mga awitin ngayon."
"Talaga po?" Napailing si Jethro nang mapakamot sa noo si Cassandra. "Pasensya na po. Busy po
kasi ako sa pananahi sa France kaya wala na akong alam sa latest. Ano na po ba ang mga uso
ngayon?"
"'Buko' na po, ma'am. Saka 'Pusong Bato.'"
Muling napakamot sa noo si Cassandra pagkatapos ay ngumiti. "Sige manang, ire-research ko ang
mga kantang 'yan. Pero sa ngayon, kay April Boy na po muna tayo," anito at muling tumingin sa
kinaroroonan ng kwarto ni Jethro. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mga mata ng dalaga nang makita
siyang nakatanaw sa veranda. Mayamaya ay matamis itong ngumiti, pagkatapos ay muli na namang
bumirit. "Hindi ko kayang tanggapin-"
"Mas hindi ko kayang tanggapin ang boses mo," hindi niya na napigilang pagsita. "Tumahimik ka na
nga, Cassandra."
Tumalikod na siya. Pero bago iyon ay hindi nakaligtas sa kanya ang pamumula ng mga pisngi ng
dalaga. Amused siyang napangiti na mayamaya ay agad ring nabura.
Heck, I'm going nuts!
"UMALIS KA NA. Gabi na."
Napahinto mula sa pagbe-bake ng paboritong caramel cake ni Jethro si Cassandra nang marinig ang
pormal na boses ng binata. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya itong nakatayo sa bukana ng
kusina habang nakapamulsa sa suot na jacket. Napasulyap siya sa suot na relo. Alas-nuwebe y medya
na ng gabi pero naroon pa rin siya sa bahay ni Jethro at abala. Hay... the things I'd do for love.
"I can't," napapangiting sagot niya, pagkatapos ay binuksan ang oven. "Baka kasi ma-miss mo ako."
"If I promise to miss you, will you go away?"
Nanlambot ang mga kamay niyang may hawak na tray na ipapasok sana niya sa oven, dahilan para
maibagsak iyon. Lumikha ang tray ng ingay sa marmol na sahig.
Nasasaktang napatitig na lang si Cassandra sa nasirang cake na ilang oras niya ring pinaghirapang
gawin. Durog na iyon... katulad mismo ng kanyang puso nang mga sandaling iyon. Mayamaya ay
lumuhod siya sa sahig at nagmamadaling nilinis ang cake. Sinadya niyang iyuko nang husto ang ulo
para itago ang pagluha. Inipon niya sa mga kamay ang cake at inilagay uli sa tray.
"That's enough, Cassandra. Hayaan mo na lang na ang mga katulong ang maglinis dyan."
Nanghihinang napasandal siya sa counter. "Nasaktan talaga kita nang husto, 'no?" sa halip ay halos
pabulong na wika niya. "Alam ko namang naghirap ka. Pero ikaw ba, sa loob ng apat na taon,
naitanong mo man lang ba sa sarili mo kung kumusta na kaya ako? Naisip mo man lang ba kung
naghirap din ako? Kung naging masaya man lang ba ako?"
"Do I really have to wonder? May narating ka-"
"May narating lang ako, Jet. Pero hindi ibig sabihin, naging masaya na ako." Sinikap niyang tumayo at
sa natitirang lakas ay humarap sa binata. "Sa maniwala ka o sa hindi, sumaya lang ako nang pabalik
na ako. Kasi alam kong... magkikita na uli tayo."
Hindi kumibo si Jethro. Malakas na napabuntong-hininga si Cassandra, pagkatapos ay naglakad na
palabas ng kusina. Tahimik na lumabas na siya ng bahay nito. Naikuyom niya ang mga kamay na
sagana pa sa icing nang makarating na siya sa garahe at makita ang kanyang kotse.
Panibagong araw na naman ang matuling lumipas. At uuwi na naman siya na wala pa ring
nangyayaring maganda. Muli siyang pumihit pabalik. Ayaw na niya nang ganoon, ayaw na niyang may
pagsisihan uli. Napahugot siya ng ubod ng lalim na hininga bago muling pumasok sa front door. Nakita
pa niya si Jethro na kasalukuyang paakyat sa hagdan.
"Jethro!" malakas na pagtawag niya dahilan para mapalingon sa kanya ang binata. "I love you!" Pinilit
niyang ngumiti nang masaksihan ang pagguhit ng frustration sa mukha nito. "Simula sa araw na 'to
hanggang sa matapos ang buwan, paulit-ulit ko nang sasabihin sa 'yong mahal kita. Para wala na
akong pagsisihan pa."
Mabilis niyang itinaas ang kamay nang makita ang pagbuka ng bibig ni Jethro. "Kung mang-iinsulto ka
na naman, utang-na-loob, bukas na. Isa-isang banat lang dapat sa isang araw. Nakakadalawa ka na."
Kinindatan niya ito. "Save another for tomorrow, okay?"
Bago pa tuluyang maubos ang tapang niya ay nagmamadali nang tumalikod si Cassandra at tuluyan
nang umalis. Pagkasakay sa kotse ay naisubsob niya ang mukha sa manibela. Pagkatapos kaya ng
isang buwan... may dangal pa kaya ako?