THE LAST WOLF PRINCESS

CHAPTER 16



Sinunod niyang lahat ang mga sinabi sa kanya ni Hyulle. Pagsikat pa lang ng araw ay lumalabas na siya sa mahiwagang silid na iyon at nagdya-jugging sa dalampasigan, nagpapapawis siya at kungminsan ay naglalangoy pa sa karagatan. Tapos ay nanonood siya ng mga palabas sa BHS ng mga pelikulang may pang-self defense at agad niya iyong natutunan.

Malakas na rin siyang kumain ng karne. Sa isang meal niya ay halos makaubos siya ng tatlong pinggan, at umaabot ng limang beses kung kumain siya. Nauubos niya rin ang napakaraming gatas.

"Ay nako, Manang Martha, ang bilis naman pong maubos ng mga suply natin, halos kada tatlong araw ay namimili na tayo, tapos iyong nagde-daliver ng gatas araw-araw na," sambit ni Ate May, na tila nagrereklamo. Nasa hagdan pa lang siya ay dinig na niya ang mga sinasabi ng mga ito. Napansin niyang medyo lumakas na siya, mas tumalas ang kanyang pandinig, at ang pakiramdam niya kaya naman, nakadama siya ng kaunting tuwa. "Huwag ka na munang matuwa, normal na tao lang sila, kaya nao-over power mo sila," narinig niyang sambit ni Hyulle na nakasandal sa pader at naka-cross arms pa nakatingin sa kanya. Nakayuko lamang ito habang nagsasalita. "So?" pairap niyang sambit rito. Ngunit may napansin siya kay Hyulle, habang tinitingnan niya ang mukha nito. Medyo may pinagbago ito, kumpara no'ng una niya itong nakilala. Napansin niyang medyo humumpak ang mukha nito kaysa noon. At mukhang namumutla.

"Teka nga, kumusta ka naman?" na-curius niyong naitanong at wala sa loon niya.

"Ha?" nagtataka namang sagot ng binata.Copyright by Nôv/elDrama.Org.

"Wala lang mukha ka kasing may sakit," nasambit niyang muli habang nagpatuloy sa paghakbang mula sahagdan pababa.

"A, wala ito, lately kasi hindi ako nakakapagbilad sa ilalim ng buwan." Napamaang naman siya rito.

"Ano? Bakit sa ilalim ng buwan? Baka sa ilalim ng araw?"

"Wala ka talagang alam, tayong mga werewolf, lumalakas sa sinag ng buwan, ikaw diba, nagiging wolf ka kapag nasisinagan ka ng buwan," paliwanag nitong muli sa kanya.

Napatango naman siya. At mayamaya ay may naisipan na namang tanungin sa binata.

"Bakit ikaw, hindi nagbabalik sa anyong wolf?" tanong niya na ang tinutukoy niya ang itsurang wolf na hayop.

Ngumisi muna ito sa kanya, bago muling sumagot, "Dahil mahina ka pa, hindi pa ganap ang lakas mo, ngunit kung papayag ka na sa iniaalok ko sayo---" napatigil ito ng talikuran na niya ito.

Hindi na niya gustong pakinggan ang mga sinasabi nito sa kanya. Dahil tungkol na naman iyon sa alok nitong pakikipagsiping sa kanya.

Para kasi sa kanya ay nais lang nitong makaisa.

At naroon pa rin ang takot niyang paslangin na siya nito sakaling bumigay siya.

"Polina...." narinig niyang tawag nito sa kanya. Ngunit hindi na niya ito pinansina pa. Nagtuloy na siya sa kusina upang kumain.

Habang nasa harap sila ng hapag kainan, "Manang Martha, sasamahan ko na po kayong mamili," salita niya na sa matanda nakabaling ang tingin.

Habang ngumunguya ng karneng niluto nito. Kadalasan ay inihaw na karne lang naman ng baka ang pagkaluto niyon. Ayaw kasi ni Hyulle ng ibang luto. Kaya siya ay hindi na lang din nagrereklamo. "Nako, Seniorita Polina, huwag na maraming masamang nilalang ngayon ang gumagala sa labas," sambit ni Manang Martha.

"Ho, p-pero mas kailangan niyo nga po ng kasama," giit pa niya sa matanda. At napatingin naman si Manang Martha sa kanilang amo na si Hyulle.

"Bakit Manang, marami bang dapat bilin?" tanong naman ni Hyulle.

"A, medyo marami na po Sir," kiming sagot ng matanda sa amo nila.

"Okay, I'll go with you, alam niyo hindi naman po tatahimik ang makulit na iyan, kapag hindi napagbigyan," saad naman ni Hyulle.

Tumingin itong sinamahan pa ng kindat sa kanya. Hindi niya alam kung kikiligin ba siya o hindi sa mga inaasal nito sa kanya. Mayamaya ay nag-ring ang telepono na nasa living area. Mabilis na lumapit ro'n si Aling Selya. "Hello, Elgrande's residense," sagot ni Aling Selya.

"Hello, nariyan ba ang Sir Hyulle mo?" tanong ng mataray na babae sa kabilang linya.

"Ay opo, sino po sila?"

"Sabihin mo parating na ako, sunduin niya ako sa airport, Si Althea to," sambit ng nagsasalita sa kabilang linya ng telepono.

"Wala kamo akong time Aling Selya, pakisabi wala akong time magsundo," maang na sagot kaagad ni Hyulle.

Nagulat naman ang matanda dahil sa sobrnag talas ng pandinig ng binata. At gayundin ang nasa kabilang linya ay naririnig kaagad ang mga sinasabi naman ng amo niya.

Parang natutulalang ibinaba ni Aling Selya ang telepono.

"Sir, uulitin ko po ba ang mga sinasabi niya kanina," takang tanong ng matanda.

"Hindi na," sambit naman ni Hyulle.

"Sir, Si Ma'am Althea po ba iyon, a sige po kami na lang ni Polina ang maggo-grocery," magalang na sambit ni Manang Matha.

"O sige, basta tawagin mo lang ako kung may mangyaring masama," sambit niya sa mga ito. Mabilis namang napamaang ang matanda.

"Bakit Sir, nakabili na po ba kayo ng pager? O di kaya po ay ang bagong nauuso ngayon na pangkomunikasyon liban sa telepono?" takang tanong ni Manang Martha. Alam kasi nito na hindi naman mahilig sa mga makabagong teknolohiya ang binatang amo.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"Oo nga no, buti po naipaalala niyo na po iyan sa akin. Bukas po ay bibili na ako ng pager, para kay Polina at sa 'kin. Ayaw kasing tanggapin ni Polina ang mungkahi ko, sana ay hindi na namin kinakilangan ang mga aparatong iyon," sambit ni Hyulle na napapatingin sa kanya.

"Sir, paano po si Ma'am Althea? Lilinisin ko na po ba ang silid niya?" tanong ni Aling Selya.

"Nako, hindi na doon rin naman iyon matutulog sa silid ko, tiyak na ako ang lalabas mamaya," sabi ni Hyulle. Napatingin ito sa kanya. Siya naman ay napamaang dahil sa silid rin ni Hyulle siya madalas magpahinga.

"Ha? D-doon matutulog sa silid mo iyong Althea?" napamaang niyang sambit.

"Ay oo, Polina matalik na kababata ni Sir Hyulle si Althea, at doon ito palaging natutulog.""

Habang nasa grocery sila ay hindi maiwasang maisip ni Polina ang babaeng Althea ang ngalan. Hindi niya maisip na may babae palang umaaligid kay Hyulle. "Bakit Iha, may problema ba?" natanong ni Manang Martha sa kanya ng mapansin nitong tila malalim ang iniisip niya.

"A, wala naman po, matanong ko lang po Manang Martha, sino po ba iyong Althea na darating?"

"A, iyon ba, kababata iyon ni Sir Hyulle, bata pa sila ay palagi nang nakabunto't kay Sir Hyulle iyon," sabi nito sa kanya. Dahil doon ay nagtaka naman siya sa matanda. Hindi tuloy niya alam kung pagdududahan ba niya ang pagiging tao nito. "Am, Manang Martha, matagal na po ba kayong naninilbihan kina Sir Hyulle?"

"Oo naman, maliit pa iyan si Sir Hyulle, siguro mga dalawang taon pa lang siya ng mapunta ako sa mansiyon," na lalo niyang ikinapagtaka.

"Talaga po, ilang taon na po ba si Sir Hyulle?" pamaang niyang tanong.

"Tingnan mo ito, hindi mo ba alam, hindi ba at fiancee ka niya?" naiiling na sambit nito, at tiningnan siya ng may pagtataka.

"Bakit ho?" pamaang niya ring sagot.

"Magte-trenta pa lang siya," sambit ng matanda. Isang bagay na labis niyang ipinagtaka. Kung sabagay ay iyon siguro ang edad niya dapat bilang tao.

"A, ganon po pala," sambit niya kay Manang Martha.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.