Ruled by the Blaze (The Unwanted Marriage)

CHAPTER 46



PATRICIA'S POV (The moment of truth)

Masakit ang ulo ko, nanginginig ang mga kamay at hindi makapagsalita.

Tanging naalala ko ay nanghina ako kanina hanggang sa mawalan ako ng ulirat. Nawala na ang hilo ko ngunit tila nanghihina muli ako ng makita ang envelope na naglalaman ng ultrasound at record ko sa ospital. Nakalagay na ito sa side table ko.

"H-How come?" usal ko at dahan-dahan bumangon sa kama.

Natatandaan ko na hawak ko ito kanina. Did Callum...oh, no! He can't be seen it!

Kinuha ko ang envelope at halos manlambot ako ng makitang gusot na ang mga papel na tila nilamukos. Indication that it has been touched. "N-No..."

I brushed my hair with so much frustration. Wala na rin ang inilagay kong pregnancy test at natagpuan ko 'yon sa ibaba ng lamesa.

Siguro'y si Callum nga ang gumalaw nito dahil maaaring siya rin ang nag buhat sa akin papunta rito?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at kinabahan. Where is he now? Is he going to tell it to my parents?

Natataranta kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Jess.

"Hello? Oh, nariyan ka na ba sa bahay ng parents mo? Did you already admitted that you're pregnant? What's their reaction?"

"J-Jess..." nahihirapan kong sambit. "I passed out earlier before I left the house-"

"What?!" palahaw niya. "Are you okay? Does your body hurt?"

"No, but I think Callum seen my records inside the envelope. Remember what the doctor gave? Balak ko sana na ipakita iyon kila mommy but ended up...he was the first to see it"

Suminghap siya. "Oh my god! I guess you don't have a choice but to admit to him. I'm sure he will feel disappointed because you hid it from him"

"But it's not easy for me to do that!" I burst, the corner of my eye is already in tears. "I'm fucking weak, Jess. I don't even know how to handle this problem! Ano'ng sasabihin ko sa kanya? Nahihiya ako!" Dumaloy ang mainit na luha sa mukha ko at hindi ko mapigilang humikbi. This marriage really sucks! It brought me so much frustration!

"Stop crying, idiot! It may affect your baby!" sigaw ni Jess sa telepono. "Kapag hindi niya 'yan tinanggap ay ako mismo ang sasampal sa kanya! You were both want that so deal with the result. For now, I think it's a good idea if you'll fix that problem with your husband first. Kapag nagkaintindihan na kayo ay doon niyo na sabihin sa mga magulang niyo, simple as that,"

Buti nga kung ganoon lang kadali. Duwag at takot ako sa maaaring marinig kay Callum. Ako ang masasaktan. Paano na ang relasyon niya kay Zara kung buntis na ako?

"Mam Patricia?" may kumatok sa pinto kaya mabilis kong pinahid ang luha sa mukha.

"I'll end the call. Go and talk to your husband" ani Jess at pinatay nga ang tawag.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip si Nanay Nelia. Nang makitang nakaupo ako sa kama ay ngumiti siya at lumapit.Belonging © NôvelDram/a.Org.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Tumango lang ako iniiwas ang tingin.

"Grabe ang takot namin kanina sayo lalo na si Sir Callum❞ kwento niya kaya napaangat ako ng tingin. "Siya nga pala ang nag buhat sayo papunta rito"

Callum got worried about me? That's a lie. I think she just misinterpret it.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo dalhan kita-"

"Hindi na po, salamat na lang" putol ko. "I'm still full. Uh, nasa trabaho na ho ba si C-Callum?"

Biglang nag liwanag ang mukha niya. "Nako, wag ka mag-alala dahil nariyan siya sa ibaba! Sa sobrang pag-aalala sayo kanina ay hindi na nakapasok. Buti na lang ay dumating agad ang doktor at napanatag na siya sa kalagayan mo ng konsultahin ka kanina"

Unti-unting nalukot ang mukha ko at ginapangan ng kaba. "D-Doktor po?"

"Oo, pinatawag niya ang family doctor nila at katatapos lang nila mag usap. Pinapunta nga niya ako rito para tignan kung gising ka na❞

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Kung kanina ay nakakapagsalita pa ako, ngayon ay hindi na. Ikinubli ko sa ilalim ng kumot ang nanginginig kong kamay at tila mabibingi na ako sa lakas ng kabog ng dib-dib ko.

A doctor came here to consult me...at wala na talaga ako'ng kawala. I'm sure Callum is already mad right now. Ang plano ko na ipaalam muna sa pamilya ko ang sitwasyon na ito ay nasira at napalitan ng mas komplikado. What if their doctor report it to Mr and Mrs Velasquez? I'm doomed!

"Ayos ka lang? Namumutla ka uli-"

"H-Hindi, okay lang po. Gusto ko po na mag pahinga ulit" hindi ko maitago ang nginig sa boses ko kaya pansin ko ang pagkilatis niya.

"Ganoon ba? Sige, maiwan na kita"

Hindi na ako muling tumingin sa kanya at itinago ang sarili sa ilalim ng kumot. Rinig ko ang pagsara ng pinto at doon lang ako nakahinga ng maayos.

Ano na ang gagawin ko? Gusto ko man na umalis sa bahay na ito at iwasan si Callum pero hindi pwede. It's pretty impossible!

Biglang kumalam ang sikmura ko kaya halos mapairap ako. Kasasabi ko lang kanina kay Nanay Nelia na busog pa ako kaya nakakahiya naman kung bababa ako at kakain, kung naroon din si Callum ay mananatili na nga lang ako rito. Pinilit kong matulog at halos gumulong na ako sa kama pero ayaw parin. Pilit kong iniipit ang tiyan ko at ng maalala kong buntis ako ay halos gusto ko murahin ang sarili.

"What are you doing, Patricia!" I said frustratingly and sat on the bed.

Kung titiisin ko ang gutom ay baka maapektuhan ang baby ko. It's really a wrong move but I need though.

Tumayo ako at dahan-dahan binuksan ang pinto. Tahimik sa hallway at sarado rin ang kwarto ni Callum kaya tuluyan na ako'ng lumabas. Bumaba ako at wala rin katulong kaya nakahinga ako ng maluwag.

Dumiretso ako sa kusina at akmang bubuksan ang ref nang may marinig ako'ng kaluskos galing sa likuran ko. "Kamusta ang pakiramdam mo?"

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig si Callum. Nanatili ako'ng nakatalikod dahil nahihiya ako na makita siya. He seems mad just base on his voice so my legs started to tremble.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Are you just going to face that fridge and ignore me?" muli niya'ng sabi.

Nataranta ako ng marinig ang pag lapit niya kaya dahan-dahan ako'ng humarap sa kanya habang nakayuko. Naaninag ko siya'ng tuwid na nakatayo sa harap ko habang nakatiklop ang braso. Bumaba ang tingin ko sa sahig dahil hindi ko talaga siya kaya tignan!

"Are you okay? What are you feeling?" nagulat ako ng lumambot ang boses niya. "You passed out earlier so I got worried...I didn't know that you were p-pregnant"

His voice cracked on his last word so I lifted my head.

Natagpuan ko ang mata niya'ng puno ng emosyon. Hindi ko alam kung masasabi ko ba itong masaya o malungkot. Hindi ako sanay na makita siya'ng ganito. I suddenly felt guilty. "I-I'm okay..."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" biglang tanong niya kaya hindi na naman ako nakasagot.

"Answer me,"

Tila nawalan ako ng boses. Natatakot ako. Ano naman ang isasagot ko sa kanya? I wasn't able to escape this because he already knew!

"I-I'm..." I composed myself. "I-I'm scared-"

Naputol ang sasabihin ko ng biglang lumapit si Nanay Nelia hawak ang telepono.

"Sir, natawag po si Mrs. Velasquez. Importante raw ho..."

Binalingan siya ni Callum kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Ramdam ko ang bigat ng pag hinga ni Callum bago siya muling lumingon sa akin at kinuha ang telepono. Kinuha ko ang opportunity na 'yon para lumakad palayo papunta sa kwarto. My legs were shaking as I hear Callum's voice calling my name to come back.

Tuluyan ako'ng nakarating sa kwarto at mabilis inilock 'yon. Ibinagsak ko ang katawan sa kama bago muling sumabog ang mga luha.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.