Chapter 18 Bittersweet Escapade
I was alive. Yet I was dead deep inside.
I was shedding tears while my mind was miles away from reality.
Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at parang wala itong balak na tumigil. Pinuno pa ng kulog ang langit. I was sitting the entire hour thinking what did I do to deserve all this. Para akong binugbog ng paulit-ulit at hindi na makatayo pa. Wala na akong bahay, pera o pamilya. But what's more worse than losing all the material things in the world or a family, is losing myself in the process.
I was crying so bad that my heart aches and I can't breathe well. Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng luha kasabay ng pagbuhos ng ulan.
I'm soaking wet and cold. Pero mas iniinda ko ang lamig na nanuuot sa puso ko. Pain and loneliness.
It was already so dark when I decided to take a walk. Wala ako sa sariling naglakad. Kahit ilang metro o ilang oras. Nawalan na ako ng pake.
Until I found myself standing, soaking wet in front of my house no scratch that. Hindi ko na pala bahay ito. Gamit ang natitira kong lakas ay itinulak ko ang gate ng bahay.
Nang makapasok ako ay dumiretso ako sa aking kwarto, kumuha ng tuwalya at saka binabad ang sarili sa katamtamang init ng tubig.
I sat on the cold tiles of the shower room and felt the warm water rushing on every part of my body. Ilang sandali pa ay umiiyak na naman ako. Hanggang sa hindi ko namalayang humahagulgol na ako. I was tapping my chest 'cause I can hardly breathe. Lugmok na lugmok na ako.
Niyakap ko ang aking tuhod at saka nilunod ang sarili sa lungkot.
Moments later, I found myself standing in front of the mirror and stared at myself with a blank expression on my face. Hindi ko makilala ang dating ako sa repleksyon ko ngayon. Namamaga ang mata at puno ng hinanakit ang damdamin. Sa mga pagkakataong ito nagdududa ako sa sarili kong kakayahan. Kaya ko pa bang mabuhay? Para saan pa?
So, I packed my things. I loaded my bagpack with clothes. Binasag ko ang piggybank ko. I kept it for months so this should do for days. May tatlong libo pa naman ako sa wallet. I checked my phone only to see it malfunctioned, nabasa ng ulan. Hindi magtatagal magiging ganoon na rin ako. Walang pakinabang.
Tinapon ko ito sa paanan ng kama ko. Instead of a phone, I brought my laptop with me. Magpapakalayu-layo na ako. Sa lugar na kung saan walang makakakilala sa akin o kahit pa may pake sa anino ko.
I wore a black ball cap and I had a bagpack with me. Lumingon ako sa huling pagkakataon at tinanaw ang bahay na minsang sinilungan ko. Na minsang nasaksihan ang paghihirap at kalungkutan ko.
I stared at the paintings leaning beside the couch, the wall that we painted powder blue and the kitchen were we used to eat together and laugh. You will be a memory from now on. This is a bittersweet goodbye.
Sabi nga nila, walang permanente sa mundo, lahat nagbabago. That's why change is constant. And maybe, this is the change they've been telling about. A painful change I alone must bear.
"Sol. Damn, please. Please wake up."
I heard a soft voice mumbling in my ear. A warm hand made me wake. I am lying in a soft cushion. A bed.
Nang iminulat ko ang aking mga mata ay malabo pa ang aking paningin but I could see a silhouette of a woman. Nagtangka akong tumayo pero bigla na lang akong nahilo kaya napahawak ako sa sentido. Napansin kong may malamig at basang bagay na naka sa aking noo. Isang bimpo.
"Don't force yourself to stand, anak. Take your rest at baka mabinat ka pa."
Anak? I leaned myself on the bedrest at saka in-adjust ang vision ko. There I saw a man standing right behind a woman, carrying a tray of food.
"P-Pa." Malungkot kong sabi.
Ngumiti ito at saka nag-aalalang tumigin sa akin. I've never seen those eyes worry that much, at sa akin pa. Kaya hindi ko napigilang umiyak at humagulgol. Tumayo ako kahit pa hindi kaya ng katawan ko at saka walang pakundangang niyakap ko siya.
Alam kong nagulat ito dahil bigla siyang napatigil. But, I don't care. Wala rin akong sama ng loob dahil hindi naman sila ang mga magulang na hindi ako tinuring na anak. Kahit pa hindi ako ang tunay nilang anak, ang makita silang nag-aalala sa akin ay sapat na. I don't want to go back. I'm staying. Kahit pa sabihing kailangan kong mamuhay sa isang mundong gawa-gawa lang. At least dito, ramdam ko ang aruga at pagmamahal ng isang pamilya at magulang. Maybe this is reason why this is all happening. Binigyan niya ako ng pagkakataon na maranasan ang buhay na pinapangarap ko. Kung sino man iyon ay malaki ang pasasalamat ko sa kanya.
Naramdaman ko ang pagyakap pabalik sa akin ni Papa. I was in deep tears kaya hinagod niya ang aking likod at tinapik-tapik ng marahan.
"May problema ba, anak?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Mama.
I broke our hug at pinunas ang aking mga luha gamit ang aking palad.
"Wala po, M-Ma."
Malayong-malayo siya sa mama kong walang pakialam sa akin. Tinantya nito ang aking sentido at pisngi at ngumiti ito sa akin ng may pag-aalala.
"Kumain ka muna para may laman ang tiyan mo, anak. Inaapoy ka ng lagnat simula pa kagabi. Ano ba ang ginawa mo at nagkaganyan ka?"
Naupo muli ako at inilapag ni Papa ang pagkain sa mini-table na nasa ibabaw ng kama. "Kumain ka na at para gumaling ka na agad."
Nag-aalinlangan pa akong ngumiti kay Papa dahil hindi ako sanay na pinasisilbihan ako ng aking mga magulang. Because they never did that in the real world.
"Opo."
Kinuha ko ang kutsara at saka sumubo sa lugaw na inihanda nila. Masarap. Napangiti naman ako at pinipigilang maluha. Magmumukha akong baliw kapag nakita nilang umiiyak ako dahil sa lugaw. "Bababa lang kami, anak. If you need something, just call us."
Tumango lang ako sa kanila. Gusto ko sana silang mayakap pero baka mawiweirdohan sila sa akin. Kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko.
When I heard the door shut, doon na ako muling umiyak. Tama ba 'to? Tama ba ang desisyon kong manatili rito? Then realization hits me. Wala na nga pala akong mauuwian sa totoong mundo.
Si Abby? Maiistorbo ko lang sila at madadamay lang sila sa away namin ng mga magulang ko. Huwag na. Ayokong may madamay na iba dahil sa kagagawan ko.
Si Yssen, I'm taking over her life. What would she feel? Alam niya kaya ang ginagawa ko? Hindi kaya siya magagalit? Napabuntong-hininga ako ng malalim. Naguguluhan ako kung konsensiya o isip ba ang papairalin ko. But I've already decided.
"I'm sorry, Yssen. I have to. I have nowhere to run."
Desperada na ako. I'm saying sorry to the one who really own this body. Nakokonsensiya man ako ay wala rin akong magagawa. Ito lang ang naisip ko para makatakas sa reyalidad ng buhay na puno ng sakit, pag-iisa, pangungulila at kawalang pag-asa.
I hugged my knee. Ano na ang gagawin ko?
Inilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto. This is Yssen's room in this world. Hindi masyadong kalakihan pero pwede na. On my right side, is a glass sliding window. Matatanaw ang luntiang kabundukan sa kalayuan. Napakaganda.
Sa aking paanan sa kaliwa ay ang bookshelves na puno ng mga libro. Beside me is a table with a moon lamp at ang parihabang bagay na hula ko'y cellphone nito- identical with the phone I have na sira na ngayon.
On my left is a rectangular hanging mirror at sa tabi nito ay ang bathroom. Nakapintura naman ng powder blue and sementadong dingding. No wonder, I wrote her. Her favorites reflects mine.
Hindi na rin masama. I can adopt with this world. Even if it means to die in the real world.
Napatigil ako sa pag-iisip ng tumunog ang phone ko. Mabuti na lang at walang passcode ang phone niya. I slide my finger to unlock the screen and tap at the message icon.
Bumungad ang message ni Geille, Yssen's bestfriend-my bestfriend. Dapat ko nang sanayin ang sarili ko. Remember their names and what are them to Yssen-to me. Geille
Hoy, babae! Pumunta ka sa bahay iihawin kita may iihawin pala! Mamayang gabi, see you!
May kakaiba akong naramdaman nang banggitin niya ang iihawin. Ano na naman kaya 'yun? Hindi ko na lang masyadong inisip at saka nasimulang magtipa ng reply. Aish, ang init ko pa rin.
Sorry, pass muna. May sakit ako e.
Sent 7:05 am
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
Bigla tuloy akong napaisip kung anong araw na dito nang makita ko ang oras. I checked my calendar and it was Saturday. Weekend. Kaya pala.
Pabagsak kong inihiga ang aking sarili sa malambot na kama. Tumagilid ako at saka bumaluktot. Ramdam ko ang matinding antok. I'm tired. I am mentally exhausted. Kaya ilang pikit pa ng aking mata ay nakaidlip na ako. Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng maingay na ringtone galing sa phone ko sa ibabaw ng mesa. Pilit kong inabot ang phone na nakuha ko naman. Idinilat ko ang mata ko to see Geille calling. Tinanaw ko ang bintana at nakita kung paanong nag-aagaw na ang kadiliman at ang pababang sikat ng araw. I checked the time on my phone habang patuloy ang pagring ng nito.
It's 4 minutes past 6. Geez. I literally had a long sleep.
Sinagot ko ang tawag habang nakahiga pa rin. Tinatamad pa akong tumayo.
"Buti naman at sumagot ka ng babae ka! Nasaan ka na ba?"
Bumungad ang matinis na boses ni Geille sa phone ko kaya inilayo ko saglit ito sa aking tenga.
"Kakagising ko lang."
Nag-aalangan at walang gana kong sagot.
"Sabi na e! Tinulugan mo talaga ako kanina! Kaya pala hindi na nakapagreply! Kung jowa mo pa ako, matagal na kitang binreak!" Napatawa naman ako ng wala sa oras sa sinabi nito.
"Sorry na nga e. Masama lang talaga ang pakiramdam ko."
I checked my temple at wala na naman akong lagnat. It's a good thing. I can't bear sleeping and staying in bed for a day.
"Anong sorry sorry ka diyan! Pumunta ka na dito! Mauubos na lang ng unggoy na si Nathan 'yung iniihaw e."
"Lumayo ka nga! Patay gutom ka talaga kahit kailan!" Narinig ko pa ang pagsaway at pagtaboy nito sa kausap.
Nathan. I badly miss him. Their already okay? Parang kailan lang galit na galit ito sa lalaki at halos pinapatay nito sa tingin tuwing magtatama ang mg mata nila e. Medyo matagal rin pala akong nawala. "Oh? Natahimik ka?"
Napabalik ako sa reyalidad at tinuon ang tenga sa kausap kong si Geille.
"Ah, wala. Andyan si Nate-Nathan?"
Muntik na!
Nasanay kasi ako sa pagtawag ng Nate kay Nathan. Ang hirap mag-adjust. Lalo na kapag na-attach ka na sa mga taong minsan na ring naging parte ng buhay mo.
"Oo kaya! Palaging present 'yun lalo na kapag may pagkain. Alam mo na, palamunin." Ang harsh!
"Pumunta ka na kaya dito ano! Nakakahawa ba yang sakit mo ha?"
Medyo hindi malinaw ang sinasabi nito dahil mukhang lumalamon ito habang nagsasalita. "Lagnat lang."
"Yun naman pala e. Bilis na at atat na akong makachika ka!" Bakas sa boses nito ang excitement.
Rinig ko pa ang background music na pinapatugtog sa kabilang linya.
"Hindi papayag ang mga magulang ko." Pinatunog nito ang kaniyang bibig,
"Ipagpapaalam kita, malakas kaya ako kina Tito at Tita!"
"Pero" Hindi na nito pinakinggan ang sasabihin ko at pinatay na agad ang tawag.
Napabalikwas naman ako ng upo at saka ginulo ang buhok ko.
Pano na 'to? Kung sakasakali, hindi ko alam ang bahay nila!
Napabuntong-hininga na naman ako. Hindi ko alam kung ano ang unang iisipan kaya bumangon na lang ako mula sa kama at saka lumabas ng kwarto.
Bumungad sa akin ang maikling pasilyo. Nasa kanan pala ang aking kwarto. Mayroon pang dalawang kwarto bago ang akin at sa gitna ng kwarto nakatapat ang hagdanan pababa na hindi naman kataasan. Pagbaba ko ay nakikita ko na agad ang sala sa kaliwa at ang kusina sa kanan. Dumiretso ako doon at naghanap ng baso at tubig.
Hindi naman ako nabigo dahil nasa ref ang pitsel ng tubig kaya napainom ako ng marami. Para akong nauhaw ng isang buong araw.
"Oh, anak. Akala ko ba ay magkikita kayo ni Geille?"
Narinig ko ang boses ni Mama mula sa aking likod kaya hinarap ko siya. Nakabihis panglakad ito.
"Ah? M-Mama, hindi ba hindi kayo papayag?"
Nagngingiting-aso ako kay Mama. Jusko. Para akong baliw neto.
"Ayaw sanang pumayag ng Papa mo, e pinagpaalam ka naman ni Geille sa amin kaya napapayag na rin siya. Sabi niya kapag hindi mo raw kaya ay ihahatid ka ni Geille agad sa bahay." Napabuntong-hininga naman ako at parang nalugi sa isip ko.
Pinwesto ni Mama ang palad niya sa sentido ko at bahagya akong napigilan. Nagulat din ito pero kalauna'y ngumiti din. Aish.NôvelDrama.Org: text © owner.
"Wala ka na namang lagnat. Pero uminom ka muna ng gamot bago umalis. May lakad kami ng Papa mo."
Nagspin ito ng mahina habang masayang hinahawi ang laylayan ng dress niya. My mom looks so lovely. Ngayon lang, dito sa mundo nila, nakita kong ganito kasaya ang mom ko.
Narinig naman namin ang pagbukas ng pinto at bumungad ang Dad kong nakasuit. Hindi ito tumingin sa amin dahil naging busy ito sa pag-ayos ng kanyang tie. Nagkatinginan kami ni Mommy at saka napahagikhik. "What?" Narinig ni Papa ang hagikhikan namin ni Mama kaya nagreact ito.
Bumaba na siya ng hagdan ng nakabusangot ang mukha at saka sinalubong siya ni Mama na labis-labis ang ngiti sa mga labi. Sweet.
"Hay, honey. Ilang beses ko pa bang dapat ituro sayo kung paano magknot ng tie?"
Napailing-iling naman si mama habang inaayos ang tie ni Papa. May lumandas na buhok sa mukha ni Mama kaya agad nito ni Papa at isinukbit at sa likod ng tenga niya. I remember Nate dahil sa ginawa ni Dad. May parang kumirot sa puso ko na hindi ko malaman kung ano.
"Ayokong matuto. Dahil gusto kong ikaw ang mag-ayos ng tie ko palagi." Dad smiled at my Mom and gave her a peck on her lips.
Pinalo naman ni Mama ng mahina ang dibdib ni Papa at ininguso ako. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanila.
"Dinner date." Nabasa ko ang inilabi ni Papa habang palapit ito sa akin at saka hinalikan ako sa noo.
Sa ginawa ni Papa parang nabawasan ang pangungulila at lungkot sa puso ko. So that is how it feels to have a father who cares for her daughter.
Hindi ko alam na pwede palang maramdaman ang lungkot at saya ng magkasabay. Sunod ay niyakap ako ni Mama. She kissed me on my cheek and gently caressed it. She mouthed me "I love you" which I felt my heart sank in a warm feeling. Papa held her by her waist at sabay silang nagpaalam sakin. Nagpanggap ako na masaya at ngumiti sa kanila. I nodded and waved my hands to them.
Sige, Sol. Magpanggap ka pa.