Chapter 15
Chapter 15
“SO, WHAT are you going to believe then, mahal? The power of the curse or… the power of our love?”
Kumunot ang noo ni Selena sa nakikitang amusement sa mga mata ni Dean matapos niyang isalaysay
rito ang nabalitaan niya tungkol sa mga units sa San Diego Compound na tinutuluyan nila. Ilang linggo
pa lang simula nang makabalik sila sa Pilipinas gamit muli ang private jet ng kakilala ni Lilian.
Sa San Diego Compound na kaagad sila dumiretso ni Dean. Noong nasa St. Lucia pa sila ay
pinakiusapan ni Selena si Chynna na kung pwede ay hanapan na muna sila ng asawa ng unit na maari
nilang tuluyan pansamantala habang hindi pa sila nagkakaroon ng sariling bahay ni Dean. Ang
compound na iyon ay pinahanap lang raw ng kaibigan sa personal assistant nito. Pero personal raw
nitong tiningnan ang lugar para masigurong maayos at maganda ang lilipatan nilang mag-anak.
Noong nakaraang araw ay lumakad sila ni Dean kasama ang kanilang mga anak. Nakahanap na sila
ng lupa na siyang pagtatayuan nila ng dream house nila. Inaayos na lang ang mga papeles roon
pagkatapos ay sisimulan na ang construction ng magiging two-storey house nilang mag-anak. Malaki
pa ang ipon nila mula sa ilang taong pagtatrabaho noon.
Hindi pa nagagalaw ni Selena kahit ang perang ipinabaon sa kanya ng ina. Nadagdagan pa ng
nadagdagan ang ipon nila ni Dean dahil sa kinita mula sa pagpipinta ng asawa noong nasa St. Lucia
pa sila at dahil na rin sa patuloy na pagdi-disenyo niya ng mga damit.
Hindi pa sila nakikipagkita sa kani-kanilang mga pamilya. Siguro pagkatapos na lang maitayo ng
kanilang bahay. Umaasa silang mag-asawa na sa oras na makita ng kanyang ama na maayos ang
kanyang kalagayan ay magawa rin silang tanggapin at patawarin nito. Buo na ang kanilang mga plano.
Itutuloy pa rin ni Dean ang pagpipinta nito. Ilang art dealers na ang nakausap ng asawa na agad na
nagkainteres sa mga obra nito. Kaya mayroon nang siguradong lugar ang mga gawa nito sa mga art
galleries.
Pero para kay Selena, ang obra pa rin ni Dean kung saan silang tatlo ng mga anak ang subject ang
mananatiling pinakamaganda at pinakapaborito niya sa lahat ng mga nagawa nito. Dahil hindi
matatawaran ang emosyon ng painter sa obra na iyon. Makikita ang nadaramang pagmamahal nito
para sa mga subjects nito base sa mga detalye at sa husay ng pagkakaguhit roon.
Ang pangalawa sa paborito ni Selena ay ang portrait niya na niregalo ni Dean sa kanya noong twenty-
fifth birthday niya. Espesyal iyon para sa kanya dahil iyon ang kauna-unahang regalo na natanggap
niya mula rito. Doon rin nagsimulang mapukaw ang interes niya rito. Ni hindi niya nahulaan noon na si
Dean pala mismo ang siyang nagpinta niyon. Her husband was truly a very talented man.
Si Selena naman ay kadalasang mga damit pang-bata ang nakatuwaang idinidisenyo sa ngayon. Pero
hindi niya iyon ipinagbebenta. Siya na mismo ang nananahi ng mga damit na iginuguhit. Kaya
especially made ang lahat ng damit ng kanyang kambal pati na ang mga suit ni Dean. Sinusuportahan
naman siya ng naaaliw lang sa tuwinang asawa.
Tama si Dean. Saan man sila mapadpad na mag-anak basta kumpleto sila ay mananatiling nasa loob
sila ng isang magandang panaginip. Dahil bukod sa kapaligiran nila ay nananatiling walang
nagbabago. Masaya pa rin sila, saya na bahagyang nalimutan ni Selena nang dalawin siya ni Lilian
noong umagang iyon. Pagbaba raw nito ng kotse nito ay kaagad itong pinigilang pumasok sa
compound ng isa sa mga kalapit-bahay nila. Kung uupa raw ito roon ay maghunus-dili na muna ito.
Iyon ang siyang nagpaalam kay Lilian ng tungkol sa sumpa umano na mayroon sa San Diego
Compound.
Gaya ng reaksyon ni Dean ay naaliw lang si Lilian sa nabalitaang sumpa. Natatawa pa ito nang
magkwento kay Selena pero malayo roon ang naramdaman niya. Siguro dahil masyado nang
maraming kumokontra sa relasyon nila ng asawa pagkatapos ay dadagdagan pa iyon ng tungkol sa
isang sumpa. Para siyang sandaling nag-panic nang matuklasan iyon.
Kung tutuusin ay wala namang anumang negatibong masasabi si Selena tungkol sa compound kahit
pa para bang napakamahal ng ngiti ng landlady nila roon na si Elvira, ang anak ng may-ari ng lugar.
Unang kita pa lang nila ni Dean sa compound ay nagustuhan na nila kaagad iyon. Maganda ang
ambiance roon, malawak at tahimik. Anim na two-storey units ang naroroon na may kanya-kanya pang
parking lot. Ang ikalimang pinto ang siyang tinutuluyan nilang mag-anak. Kahit ang loob ng unit ay
maganda at maaliwalas kaya walang mag-aakala na isinumpa ang lugar na iyon.
Ayon sa ikinuwento kay Lilian ng kalapit-bahay nila, ang compound raw ay dating Spanish-style na
bahay na ipinatayo ni Pepe San Diego, ang ama ni Elvira para sa pamilya nito. Pagkalipas ng
dalawampung taon ay nagkahiwalay ang mga magulang ni Elvira. Na-inlove raw ang ina nito sa ibang
lalaki. Hindi iyon kinaya ni Pepe kaya nagpakamatay ito. Ang anim na anak ng mga ito ay iniwan rin
ang bahay ng mga ito kalaunan at pinaupahan na lang sa iba.
Pagkalipas ng ilang taon ay ipina-reconstruct ang buong lugar at pinatayuan ng anim na units ang
lupain. Tinawag iyong San Diego Compound. Mas pinaganda iyon at pinalagyan pa ng swimming pool
sa sentro ng compound na pwedeng gamitin ng lahat ng nangungupahan roon.
Pero kahit gaano pa raw kaganda ang lugar ay hindi nagtatagal ang mga naninirahan roon dahil
minamalas ang mga magka-relasyon na tumitira roon. Naghihiwalay ang mga ito at pinaniniwalaan ng
mga taong nakakaalam ng nangyari sa pamilya San Diego na iyon ay dahil isinumpa ang lugar na iyon
ni Pepe bago ito nagpakamatay. Kahit raw si Elvira na minsan nang nanirahan doon kasama ang
nobyo ay tumandang dalaga ngayon dahil nauwi rin daw sa hiwalayan ang relasyon nito.
“Pero ‘wag kang maniwala ro’n, ‘Lena.” Naalala niyang pahabol pa ni Lilian kanina bago ito umuwi.
“Sinabi ko ‘yon sa ‘yo hindi para takutin ka gaya ng ginawa sa akin ng tsismosang kalapit-bahay nyo. I
just really find it hilarious. I mean, oo nga at nakaka-aning ang nangyari kay Pepe San Diego. In fact,
it’s a pity but surely, it wasn’t because of some mumbo-jumbo thing that’s why the couples who lived
here broke up. Gawa-gawa lang siguro nila ‘yon.
“Brokenhearted na ngang nag-goodbye Earth si Pepe, isisisi pa ng mga umuupa sa kanya ang
nangyari?” Pumalatak si Lilian. “Humahanap na lang sila ng excuse. But the truth is, it was their fault.
It’s either nagkulang sila sa isa’t isa or one of them just fell out of love. Gano’n lang kasimple. Dahil
kung mahal nyo talaga ang isa’t isa, no curse can separate you both.”
May punto si Lilian pero hindi pa rin maiwasan na kabahan ni Selena. Hindi ba’t masyado na yatang
coincidence kung lahat ng mga naninirahan roon ay nauwi sa hiwalayan? O talaga nga bang mababaw
lang ang pagmamahalan ng mga iyon sa isa’t isa kaya ganoon ang nangyari sa relasyon ng mga ito?
Either way, it was still scary.
“You really find it funny?” Nakalabing tanong ni Selena sa asawa habang tinutulungan si Dean sa
pagluluto. Naghihiwa siya ng gulay habang ito naman ang nagsasalang sa kalan.
Muling natawa si Dean. “Actually, narinig ko na ang kwentong ‘yan mula kay Lawrence, ‘yong umuupa
sa kabilang unit. And yeah, gaya ni Lilian, we laughed about it, too. May girl friend rin si Lawrence.
Nasa Abroad nga lang. And yesterday, we met Meg and Daniel. There’s also CJ and Portia.” Tukoy nito
sa nakilala nilang iba pang mga nakatira sa katabing unit nila. Hindi nila alam kung may nag-ookupa na
rin sa natitira pang dalawang units dahil parating tahimik sa mga iyon. “Pero naghiwalay na ba sila?”
“Hindi.”
“See?” Lumapit kay Selena si Dean habang hawak pa rin ang sandok sa kabilang kamay. Sa tuwing
nakikita niyang ganoon ang asawa ay namamangha pa rin siya. She never thought that a man can still
look so masculine while doing the things that a woman was supposed to do. Kahit sa paglilinis ng
bahay o pagpapaligo sa kanilang mga anak ay napaka-manly pa rin ng dating nito.
Marahang ngumiti si Dean. Idinikit nito ang noo nito sa noo ni Selena. “Bakit ka ba nag-aalala? Mahal
mo ako at mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ng mga anghel natin. Kung maghihiwalay
man tayo,” Agad na kumatok si Dean sa kahoy na mesang malapit sa kanila. “Na nananalangin akong
hindi mangyari, iyon ay dahil hindi mo na ako mahal, Selena. Dahil bibitaw lang ako kapag nakita kong
hindi mo na ako mahal. But while I could still see hope and I could still feel your love, I will continue to
hold on. ‘Yang sumpa? Wala ‘yan.” Kinindatan siya nito. “Hindi ‘yan uubra sa taong totoong
nagmamahal.”
“SELENA, kung nasa compound man kayo ni Dean, please leave now. Papunta na riyan sina Adam
kasama ang daddy mo. At hindi maganda ang mangyayari sa oras na magpang-abot kayo. Go back to
the island for the meantime. Hurry, anak. Please.”
Kumabog ang dibdib ni Selena matapos marinig ang sinabing iyon ng ina. Hindi na siya nagkaroon pa
ng pagkakataon na makasagot dahil para bang nagmamadaling naglaho na ito sa kabilang linya.
Ngayon lang siya tinawagan nito. Noon pa ay nabanggit na sa kanya ni Chynna na nagkikita ito at ang
kanyang ina. Alam ng huli na si Chynna ang tumulong sa kanila ni Dean para makatakas. Lahat ng
gusto nitong sabihin sa kanya ay ipinaparating nito kay Chynna.
Nabanggit rin ng kanyang kaibigan na matagal na nitong naibigay sa kanyang ina ang bagong numero
niya para daw makapag-usap sila. Pero hindi pa siya ni minsan natawagan ng ina at nauunawaan niya
naman iyon. Alam niyang bahagi lang iyon ng pag-iingat nito para hindi sila mahuli ng kanyang ama.
Nanginginig ang mga daliring idinayal ni Selena ang numero ng asawa. Nasa shopping mall siya nang
mga sandaling iyon kasama si manang Ester para sana mamili ng ilang personal na gamit at para
mag-grocery na rin. Si manang Ester ang kinuha nilang kasambahay ni Dean. Ito ang kasalukuyang
kumakarga kay Shera. Ang anak nilang si Elijah ay naiwan sa ama nito sa unit nila.
“Mahal, napatawag ka-“
“Dean, thank God, you answered!” Relieved na wika ni Selena nang sa wakas ay sinagot ng asawa
ang tawag niya. “Nakatanggap ako ng tawag mula kay mommy. Papunta na daw dyan sina daddy. You
and Elijah need to leave the unit now, mahal. Magkita na lang tayo sa Tagaytay mamayang gabi.”
Tukoy niya sa nabiling lupain kung saan itatayo ang dream house nila ng asawa. “We will make a plan
from there. Just take the important things and then leave the unit as fast as you can-“
“All right but-“
“No buts, mahal. Now, pack your things please. Mag-iingat kayo ni Elijah, okay? I love you both so
much.” Pahabol pa ni Selena bago tinapos na ang tawag.
Hinarap niya si manang Ester. Kinuha niya mula rito ang kanyang anak. “I need you to come home
alone, manang Ester.” Inabutan niya ng pera ang kasambahay kasama ng susi ng unit nila. “Kayo na
po muna ang bahala sa unit namin ni Dean. Malaki po ang tiwala ko sa inyo. Babalikan po namin ang
mga gamit roon. At umaasa kami na sa pagbabalik namin ay naroroon pa rin po kayo.”
May mga paintings pa si Dean sa unit nila na hindi pa nito naipapadala sa art dealer nito. Naroroon rin
ang mga sketches ni Selena at ang ilan pang mahahalagang gamit nilang mag-anak. Alam niyang
isang sugal ang ginagawa niyang pagtitiwala kay manang Ester lalo pa at halos dalawang linggo pa
lang nila itong nakakasamang mag-anak. Pero wala na siyang ibang mapagpipilian. Bukod pa roon ay
magaan ang loob nila ni Dean umpisa pa lang kay manang Ester kaya ito ang napili nilang maging
kasama sa bahay. And right now, she will trust their instinct.
Sakaling matagalan man sila ni Dean na makabalik ay wala namang magiging problema sa landlady
nila dahil nakapag-advanced payment na sila roon ng asawa na para sa kalahating taon.
“Pero anak-“
Sa kabila ng pag-aalala ni Selena ay napangiti pa rin siya nang marinig ang itinawag na iyon sa kanya
ni manang Ester. Ipinagpilitan nila ni Dean noon na sa pangalan na lang sila tawagin ng matanda pero
hindi nito iyon ginawa. Sa halip ay anak ang itinawag nito sa kanilang mag-asawa. And they loved that.
Wala raw itong naging anak kaya pagpasensyahan na nila kung iyon man ang itinatawag nito sa
kanila.
“Babalikan po namin kayo sa unit, Manang. Ituring nyo na rin po iyong inyo na dapat nyong ingatan at
alagaan dahil unit po natin iyon. Nang tanggapin po namin kayo ni Dean ay tinanggap namin kayo hindi
lang bilang kasambahay kundi bilang kapamilya. Kaya babalikan po namin ang kapamilya namin.
Pakihintay lang po kami.”
Namasa ang mga mata ni manang Ester. Niyakap sila nitong mag-ina bago ito sunod-sunod na
napatango. “Hindi ko alam kung anong nangyayari at bigla kang nagkakaganyan pero araw-araw
akong maglilinis para sa pagbabalik ninyo, mga anak.”
Bago tuluyang umalis ng shopping mall ay nag-withdraw na muna ng pera si Selena sa nadaanang Property belongs to Nôvel(D)r/ama.Org.
ATM machine. Kung ganitong mukhang magtatago na naman sila ng asawa ay kakailanganin nila ng
malaki-laking pera. Pero hindi pa rin sasapat ang nakuha niya dahil ilang credit cards lang ang dala
niya. Diyos ko, hanggang kailan na naman po ba kami magtatago sa pagkakataong ito?
Sabay nilang nilisan ni manang Ester ang shopping mall pero magkaibang daan na ang tinahak nila.
Pumara si Selena ng taxi at naglabas ng ilang lilibuhin. Nakisuyo siya sa driver na ihatid siya deretso
sa sinabi niyang address sa Tagaytay. Nang makita iyon ng driver ay sandali lang ang naging pag-
aalinlangan nito bago nito tinanggap ang pera.
Habang nasa byahe ay napatitig si Selena sa kalong na anak. Inalis niya ang suot na jacket at ibinalot
rito. Buong pagmamahal na hinagkan niya ito sa noo. “We are going to survive this, right, sweetheart?”
Para namang nakaramdam na ngumiti si Shera. Sandaling nagkaroon ng bara sa lalamunan ni Selena
nang makita ang ngiti na iyon ng anak. Buhay na buhay iyon at puno ng sigla. Kahit paano ay naglaho
ang kanyang pangamba. Sa puso niya ay pipi niyang nahiling na sana… sana ay magawa niyang i-
freeze ang sandaling iyon para mas namnamin pa ang napakainosente na ngiting iyon ng kanyang
anghel.