CHAPTER 17
***
Maaga akong nagising, kinabukasan. May bakas pa ng luha sa aking mga mata nang ako'y magising. Nasasaktan ako dahil hindi man lang ipinaalam sa akin ng Prinsipe na umalis siya at hindi ko pa alam kung saan siya nagtungo. Nagulat ako nang tumakbo sa harapan ko si Diana.
"Mahal na Prinsesa! May gaganapin na pagpupulong sa kaharian ng Bridgette Silvers ngayon. Tingin ko ay may kinalaman ito sa iyong Prinsipe. Pupunta rin sina Prinsesa Krezella at Amora sa pagpupulong. Imbitado rin ang iba't-ibang kaharian dito." Agad akong nagmadali sa pagligo at pagbibihis nang marinig ang balita ni Diana.
Jusme! Ano na kaya ang nangyari sa kan'ya? Napahamak ba siya? Bakit may pagpupulong na magaganap?
Nang bumaba ang karwahe sa harapan ng kaharian ng Bridgette Silvers ay madali akong bumaba.NôvelDrama.Org copyrighted © content.
"Anak, dahan-dahan naman!" Pag-suway pa sa akin ni ama.
Nakita kong naghihintay sa akin sina Krezella at Amora sa tapat ng palasyo ng Bridgette Silvers Kingdom.
"Girl! Tungkol yata ito sa iyong Prinsipe. Sana naman ay walang nangyaring masama sa kaniya." Ani pa ni Krezella nang makalapit sila sa akin.
"Hindi ko alam. Pero sana nga ay walang nangyaring masama sa kaniya." Malungkot kong sabi.
"Teka? Umiyak ka 'no? Huwag kang mag-alala dahil kapag niloko ka ng Prinsipeng iyon ay handa kaming ipasalvage siya!" Seryosong sabi ni Amora na sinang-ayunan naman ni Krezella. Napapatawa na lang ako sa kanila.
Nang makapasok kami sa loob ng palasyo ng Bridgette Silvers ay agad kaming naupo sa harapan. Ilang minuto pa kaming naghintay bago nag-simula ang pagpupulong.
"Magandang umaga sa inyong lahat! Sa totoo lang ho ay hindi ito pagpupulong kun'di isang selebrasyon para sa nalalapit na kasal nina Prinsipe West at Prinsesa Liezey. Isang masigabong palakpakan!" Namumutla akong napatingin sa pintuan ng palasyo nang marahan itong bumukas at kasabay no'n ay pagbungad sa akin nina Prinsipe West at Prinsesa Liezey.
Terno pa sila ng kulay ng kasuotan. Nakasuot ang Prinsipe ng itim na royal attire at dahan-dahan silang naglalakad sa gitna ng palasyo nang magkahawak ang mga kamay. Unti-unting napunit ang puso ko sa nasaksihan.
"What?! He's marrying her?" Hindi makapaniwalang sambit ni Krezella.
"Oh gosh! What in the world?" Gulat na gulat na sabi naman ni Amora.
Ito ba ang pinagkaka-abalahan niya kaya't hindi na niya sinagot ang mga liham ko?
Nasasaktan ang mga mata ko habang nakatitig kay Prinsipe West.
Ngunit nakita kong tinapunan niya lang ako ng isang malamig na tingin at hindi na muling lumingon pa sa direksyon ko.
Unti-unting lumabo ang mga mata ko at kasabay no'n ang paghila sa akin nila Krezella at Amora papaalis sa kaharian ng Bridgette Silvers.
Namalayan ko na lang na humahagulgol na pala ako na nakayakap sa kanilang dalawa.
***
"Ice cream?" Nilahad ni Amora sa akin ang isang cookies and cream na flavor ng ice cream. Agad kong kinuha iyon at nilantakan.
Nandito kami sa kapital ng kaharian ng Bridgette Silvers. Kailangan daw naming magpalipas oras dito para daw makalimutan ko ang nangyari kanina.
Ngunit sa tingin ko ay hindi ko basta-basta makakalimutan ang nangyaring iyon. Sobrang sakit ng puso ko at parang hindi ako makahinga.
Hindi ko matanggap na magpapakasal na siya sa iba.
"Uy! May tanghalan pala doon, girl! Tara isasali ka namin para mailabas mo iyang nararamdaman mo." Itinayo ako nila Amora at Krezella papunta sa nagtatanghalan. Wala akong nagawa dahil gusto ko ring ikanta ang nararamdaman ko ngayon.
Nang nasa stage na ako ay todo cheer sa akin ang dalawa. Nginitian ko sila.
"Para nga pala ito sa sugatan kong puso." Mapait na sabi ko sa microphone at nag-simulang tumugtog ng piano.
*Now Playing*
*Before It Sinks In by Moira.*
Dinama ko ang nararamdaman kong sakit sa aking dibdib.
"Suspended in the air~
I hear myself breathing~"
Ngumiti ako ng mapait at itinuloy ang pagkanta.
"Hanging by a thread~
My heart is barely beating~"
"I haven't fallen yet~
But I feel it comin'~"
"Tell me would it be too much to ask~
If you break it to me gently~
And I'm waking the next day~
Without you beside me~"
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Hindi man lang siya nagsasabi na ikakasal na pala siya. Sana kahit pinaalam man lang niya 'di ba? Labis akong nag-aalala dahil akala ko may nangyari nang masama sa kaniya. "And who I hold on to today~
Tomorrow will just be a memory~"
Napapikit ako at tumuloy sa pagkanta.
"That I would look back at all of this~"
Nang mapamulat ako ay napangiti na lang ako nang magtama ang paningin namin ng Prinsipe.
Sa tingin ko ay nag-iimahinasyon lang ako ngayon dahil sa nararamdaman kong sakit. Bakit naman siya mapupunta dito?
"And wonder why I stayed in here~
Just to watch you disappear~"
"So I breathe and let you go~
How do I breathe and let you go?~"
Kailangan ko na ba talagang bumitaw?
"Before it's too late~
I'll take a step away~
I know one word would make me go~
Rushing back to you~"
"So I'll just shut my eyes~
Forget that you were mine~"
"How do you go from making one your home~
And then just letting it all go~"
"Let me take it in~
Before it sinks in~"
"Far beyond my reach~
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Is the future you promised~"
Pinangako niyang babalik siya.
"Now what I never even had~
I have every reason to miss~
And I don't know where~
I could find the strength to let you go~
When the only love I've come to know~
Packed his bags and left me alone~"
Pero hindi siya sa akin bumalik.
"He found another home~"
Ramdam na ramdam ko ang sakit ng dibdib ko habang kumakanta.
"So before it's too late~
I'll take a step away~
I know one word would make me go~
Rushing back to you~"
"And I'll just shut my eyes~
Forget that you were mine~
How do you go from making one your home~
And then just letting it all go~"
"Let me take it in~
Before it sinks in~"
Nang makababa ako ng stage ay sinalubong ako ng mahihigpit na mga yakap nila Krezella at Amora. Napa-iyak na lang ako sa mga bisig nila. "I'm fine. It's okay!" Pinasigla ko ang boses ko at pinunasan ang mga luha sa mata.
"We're always here for you, girl." Krezella and Amora caressed my back.
***