CHAPTER 24: Nawawalang Alaala
(Patty)
"Kuya Santy! Tara tulog na tayo." turan ni Princess sa kuya nito.
"Oh sige, humiga ka na d'yan para makapunta na rin ako sa room ko." sagot naman sa kanya ng kuya niya at lumapit sa kama para kumutan siya at bigyan siya ng good night kiss sa noo.
Kumunot ang noo ni Princess "No kuya Santy, gusto ko tabi tayo dito sa kama ko, baka kasi may monster na kumuha sa'kin. Sige ka mawawalan ka ng cute princess na kapatid na tulad ko." Sabi pa nito na nagpapa-cute kay Santy. Tumawa ng bahagya si Santy. "Ikaw talaga inuuto mo na naman si kuya." sabi nito kay princess at ginulo ang buhok nito.
Lumabi naman si Princess sa kuya Santy nito.
"Sige na kuya santy, natatakot ako sa monsters. Alam ko naman na hindi ako makukuha ng mga monster kapag nandito ka sa tabi ko at saka gusto ko talagang katabi ka kuya..... pleaseeeee!" sabi pa nito na pinagdikit pa ang mga palad na parang nagdarasal at lalo pang pinaawa ang mga mata.
"Oo na, sige na nga my Precious. Ikaw talaga alam na alam mo kung paano ako hindi makakatanggi sa iyo." turan ni kuya Santy nito sa kanya. Natatawang sumampa na sa kama niya para tumabi sa kanya.
"Yehey! I love you kuya Santy." tuwang tuwa na sabi ni Princess.
Mabilis naman nakatulog si Princess. Marahang bumangon si Santy upang hindi niya magising si Princess. Nahirapan siyang umalis dahil nakayakap sa kanya ang kapatid. Napangiti siya dahil sobrang sweet ng kakambal niya. Mas matured siya dito kaya naman kahit magka-edad lamang sila mas parang matanda siya dito kung mag-isip.
"Ku..... ya!!! Kuya Santy!!!" sigaw ni Princess. Humahagulhol na hinahanap ang kuya niya. Nagising siyang wala na sa tabi niya ang kuya niya. Makapal na ang usok sa loob. Sobrang dilim at hindi na siya makakita. Inuubo na rin siya at nahihirapan ng huminga.
Bumaba sa kama si Princess at kahit madilim sinubukan pa rin niyang lumabas sa kwarto. Mabilis naman niyang nabuksan ang pinto. Ngunit napapikit siya at napatakip ng braso mukha dahil sa sumalubong na mainit at makapal na usok. Muli siyang napaubo, natakot siya.
Umiiyak pa rin na pinilit niyang lumabas kahit sobrang kapal ng usok. Nagtataka siya kung bakit may makapal na usok sa loob ng bahay nila.
Nasaan sila kuya Santy at kuya CJ niya? Iniwan ba siya ng mga ito? Nakauwi na ba ang mommy at daddy niya? Nasaan sila yaya?
Wala siyang makita na kahit ano dahil sa madilim, nawalan sila ng ilaw at ang kapal ng usok.
Hindi napansin ni Princess na palapit na siya sa hagdan dahil nga makapal ang usok at madilim.
"Huwag!!!"
"Patty! Baby! Wake up."
Naalimpungatan siya sa malakas na pagyugyog sa kanya.
"Huwag!" sa hindi pa lubos na gising na diwa ay sigaw niyang muli. Naiiyak siyang unti unting iminulat ang mga mata na basang basa ng pinaghalong luha at pawis. "What happened? Are you okay?"
Tanong ni mommy. Lumuluhang tumingin ako rito. Ramdam kong nanginginig ang mga kamay ko.
"'Yung batang babae mahuhulog sa hagdan."
"Shiisss, tahan na baby. Panaginip lang iyon, okay?" pagpapakalma sa'kin ni mommy Janice saka ako nito niyakap at marahang hinagod ang aking likod.
Maya maya lamang napakalma ako nito. Ang mumunting hikbi ko'y naging mapayapang paghinga. Isang malalim na buntong hininga pa saka ako marahang lumayo sa pagkakayakap sa kanya. Nakangiti nitong hinaplos ang aking ulo pababa sa aking buhok.
"Feeling better?" tanong nito.
Nakangiti ko naman itong tinangu-an.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Ngunit maya maya'y nawala ang aking ngiti, napalitan iyon ng pagtataka. Inilibot ko ang paningin sa silid na. Puro puti maliban sa suot ko na hospital gown.This text is © NôvelDrama/.Org.
"Ano pong ginagawa ko dito mommy?"
"You don't remember?" kunot noo na tanong nito.
Umiling ako kasi wala akong maalala.
"Tinawagan kami ng doctor na naririto ka sa hospital. Hinimatay ka raw ngunit hindi ko alam kung sino ang naghatid sa'yo rito."
Hinimatay? Sino kaya ang nagdala sa'kin dito sa hospital?
"Sobra na akong nag-aalala sa'yo at nagtatampo dahil gabi na wala ka pa. Akala ko natuto ka ng hindi magpaalam sa'min ng dad mo kung saan ka pupunta, iyon pala napahamak ka na. Sorry baby."
"I'm sorry din po mommy, pinag-aalala ko po kayo."
Nginitian lang ako nito at tumayo na sa kama ko. "Anong gusto mong kainin? May mga prutas dito or baka gusto mo ng rice at ulam?" tanong nito ng hindi ako tinitingnan. Pumunta ito sa lamesa na naroroon at nagbuklat buklat. Umiling lang ako dahil pakiramdam ko wala akong gana kumain.
Hindi ko mapigilan na titigan si mommy. Pakiramdam ko may inililihim na naman siya sa'kin. Ngunit ipinilig ko na lang ang aking ulo.
'Pero sino nga ba ang naghatid sa'kin dito sa hospital?' Tanong ko sa isip habang nakatitig sa braso na may nakakabitna dextrose. Ang huling natatandaan ko naroroon ako sa bahay nila kuya Renz at nakaramdam ng hilo. 'Monique?'
Isang palaisipan pa rin iyon sa akin. Panaginip lang ba iyon o talagang narinig ko iyon sa bahay ng mga Dela Vega bago ako mawalan ng malay?
Napahawak ako sa aking ulo at napapangiwing yumuko. Nahihilo na naman ako. Tuwing mag-iisip ako nakakaramdam ako ng hilo at hindi ko alam kung bakit.
"Patty? Are you okay? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong sa'kin ni mommy na hindi ko namalayan na naririto na muli sa tabi ko. "Tatawagin ko ang doctor, sandali lang baby."
Hindi ko siya masagot agad kaya naman mabilis na itong umalis at lumabas ng kwarto. Humiga ako upang mabawasan man lang ang hilo na nararamdaman ko.
Ilang minuto ang lumipas at narinig kong bumukas muli ang pinto. Marahan na tinunghayan ko ang mga ito. Naroroon si mommy kasama ang isang doctor at isang nurse na papalapit sa kinaroroonan ko.
Nakapikit ako habang busy ang doctor sa pag-check sa akin. Unti-unti na rin naman nawawala ang sakit ng ulo ko ngunit mayroon pa rin.
Makalipas ang ilang minuto tapos na ang doctor. Ngumiti ito sa'kin at marahang hinaplos ang ulo ko.
"Huwag kang masyadong mag-isip Iha. Makakasama sa iyong pilitin na makaalala. Babalik---."
"Doctor, can I talk to you?" putol ni mommy sa iba pang sasabihin ng doctor."
Ilang sigundong tumitig ito kay mommy at parang nakakaintinding tahimik namang sumunod ang doctor kay mommy ng lumabas ito. Naiwan ako roong puno ng katanungan sa isip.
'Anong sinasabi ng doctor? Ano ang babalik? Anong makakasama sa'kin na pilitin makaalala? May dapat ba akong maalala?' Ang daming tanong na umiikot ngayon sa isip ko. Sumakit na naman ang ulo ko.
'Ano ba talagang nangyayare sa'kin?'