Chapter 12
Chapter 12
"I CAN'T just let you be with him!" Kulang na lang ay maglabas ng apoy ang mga mata ng kanyang
Kuya Jethro habang hawak siya nito sa balikat. "Hindi mo pa rin ba naiintindihan? You're not safe with
him!"
Napayuko si Christmas. Ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit palaging iniiwasan ni Throne na
mapag-usapan nila ang kapatid niya sa tuwing magkasama sila. Walang dudang nasasaktan pa rin
siya. Hindi biro para sa kanya ang malaman na ginagamit lang pala siya ni Throne para ipaghiganti si
Cassandra sa inaakala nitong kasalanan ng kuya niya. Pero mahal na mahal niya si Throne at hindi
niya kayang ibuko ang lahat sa takot na baka mawala ang binata sa buhay niya.
"At ano'ng gusto mong gawin ko, Kuya Jet? Bumalik sa ospital at ipamukha sa kanyang mali siya?
Pagkatapos, ano? Iiwan niya ako dahil wala naman pala akong halaga sa kanya? Paano naman ako?"
Malungkot ang mga matang hinarap niya ang kapatid. "I don't want him to lose his reason to be with
me. Siguro nga, hindi niya ako mahal pero 'di bale na. Ang mahalaga, kasama ko siya."
Gustong magalit ni Christmas kay Throne pero maliban sa sama ng loob ay wala na siyang
maramdaman pang iba para sa binata. Mali ang ginagamit nitong paraan para patunayan ang
pagmamahal kay Cassandra. But at the end of the day, he was just like the rest of the brothers in the
world who would do anything to protect his sibling. Nagmamahal lang ito sa kapatid, at ginagawa ang
inaakala nitong tama.
"You're so damn stupid that I want to be ashamed we're siblings."
"Naranasan mo na ang magmahal, 'di ba? Kaya dapat, alam mo ang pakiramdam na kapag hindi mo
kasama ang taong mahal mo, para kang naliligaw." Mapakla siyang ngumiti. "Because that's exactly
how I feel, Kuya Jet. Without Throne... I'll be lost."
Nagtaas na ng boses ang kuya niya. "Pero masasaktan ka lang-"
"Hindi bale na. 'Wag lang akong maligaw." Muling tinanaw ni Christmas ang ospital na pinanggalingan
na para bang makikita niya roon si Throne. "Oo. Siguro nga, iiwan niya rin ako. Wala akong
magagawa, parte iyon ng plano niya. Pero umaasa akong bago mangyari ang araw na 'yon ay
nakaipon na ako ng maraming memories... na itatago ko. I just want to feel his love in the meantime.
Because everything has been real for me from the very beginning... no matter how fake it has been for
him."
Damang-dama ni Christmas ang pagkadismaya ng kuya niya nang bumuntong-hininga ito dahil iyon
din mismo ang kanyang nararamdaman sa sarili.
"Sa loob ng ilang taon, iningatan kita, Chris. Ni ayaw kitang padapuan sa insekto. 'Tapos ngayon,
sasaktan ka lang ng isang tulad niya?"
Humarap si Christmas sa kapatid pagkatapos ay muli itong niyakap. "Hayaan mo na 'ko, Kuya. Kaya
ko pa naman," namamasa ang mga matang sinabi niya. "Promise, kapag hindi na kaya ng puso ko,
ako na ang kusang bibitaw."
"I'M GLAD you came."
Sandaling hindi nakaimik si Christmas sa isinalubong na iyon ni Throne pagkarating niya sa park kung
saan sila unang nag-date. Nagdahilan siyang masama ang kanyang pakiramdam kaya hindi natuloy
ang dinner date nila noong nagdaang linggo. Hindi na nagkita pa si Throne at ang kapatid niya dahil sa
biglaang pag-alis ng Kuya Jethro niya para um-attend sa isang business conference sa Thailand.
Napabuntong-hininga si Christmas. Ilang araw na rin ang matuling lumipas mula nang malaman niya
ang pagpapanggap ni Throne. Nairaos na ang launching ng kanyang restaurant nang nagdaang araw
at masasabi niyang naging matagumpay iyon base sa dami ng taong dumalo. Pero wala siyang
makapa kahit na kaunting tagumpay sa kanyang puso.
Habang nalalanghap niya ang halimuyak ng mga nagkalat na kandila sa park na hugis-puso ay hindi
niya naiwasan ang mapalunok. Iyon na ba ang huling alas ng binata na gagamitin nito laban sa kanila
ng kapatid niya?
Being with him is suicide! Napahugot si Christmas ng malalim na hininga nang maalala ang mga huling
salitang binitiwan ng kuya niya sa kanya bago ito umalis ng bansa.
Gumuhit ang pag-aalala sa gwapong mukha ni Throne nang marahil ay mapansin ang reaksiyon niya.
"Bakit? May problema ba?"
Mapait siyang napangiti. "If I say a word about how I feel... would it make you care? Will you help me
feel better?"
"Oo naman," mabilis na sagot ng binata pagkatapos ay inilang hakbang lang ang distansiya sa pagitan
nila. Ikinulong nito ang kanyang mukha sa mainit nitong mga palad. "Tell me what's going on and we'll
deal with it together."
Throne was looking at Christmas the way she knew she was looking at him that night. Nag-iwas siya
ng tingin at pinilit takpan ng ngiti ang hapdi na muling naramdaman.
How could he pretend like a pro?
Nang maalala ni Christmas ang nakitang galit sa mga mata ni Throne sa ospital ay para bang gusto
niya nang sumabog. Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siyang paniwalaan na lahat ng mga
ipinakita at ipinaramdam ni Throne sa kanya mula sa umpisa ay palabas lang. Ang sakit sa mga mata
nito, ang pagmamahal sa bawat halik at ang pang-unawa sa boses...
My God, does he intend to become a professional actor? Pero pinili ng puso ni Christmas na
makasama si Throne sa kabila ng lahat. Kaya bakit ba naman siya magrereklamo?
"Wala, walang problema. Na-miss lang kasi kita," aniya at sinikap pasiglahin ang boses nang muling
tingnan ang binata. "Bakit nga pala dito mo ginustong magkita tayo?"
Kumislap ang mga mata ni Throne. "Ayoko na kasing maging boyfriend mo."
Her smile faded. "W-wait. Are you b-breaking up with... m-me?"
"Yes."
Napapikit siya nang mariin. Iyon na ba iyon? Unti-unti lang siyang napamulat nang marinig ang
amusement sa boses ni Throne nang muli itong magsalita. "I want to be promoted to the next level."
Nasorpresa siya sa biglang pagluhod ng binata sa harap niya. May inilabas itong singsing mula sa sa
bulsa ng pantalon nito. "Christmas Llaneras, will you marry me?"
"MAHAL kita, Chris. And I only know love because you exist."
Sinubukan ni Christmas na pigilan ang mga luha pero sobra-sobra ang sakit na kanyang
nararamdaman. Finally, she gave in and the tears fell.
Pinili mo 'to, Chris. Panindigan mo, nangungutyang bulong ng kanyang isip.
"Ah, Chris? Kinakabahan na 'ko dito," nangingiting sinabi ni Throne mayamaya. "Ano? Is it a yes or... a
yes?"
Her voice cracked. "Yes. I'll marry you."
Nang rumehistro ang saya sa mukha ni Throne ay muling napaluha si Christmas. Mabilis na isinuot ng
binata sa kanyang daliri ang kumikinang sa dilim na white gold ring na para bang sadyang ihinulma
para sa kanya. Tumayo si Throne at mahigpit siyang niyakap. "Thank you. You'll never regret this,
Chris. I love you."
She winced slightly but hid her emotions with a smile. Kuya, ang tanga-tanga ko na ba?
"WOW, YOU really got the girl, bro. Merry Christmas!"
Natigilan si Throne sa sinabing iyon ni Brylle pagkababa nila sa kanyang kotse. Coding ang sasakyan
ng pinsan nang araw na iyon kaya isinabay niya na ito sa pagpunta sa ospital.
"Noong una, aminado akong parte pa rin ng plano ang pagyayaya ko sa kanya ng kasal. The plan was
set. Ihahanda namin ang kasal pero hindi ko siya sisiputin." Bumuntong-hininga si Throne. "But when I
proposed to her last night and saw the love in her eyes, I changed my mind. Ayoko na pala, bro."
Nagkibit-balikat siya. "I didn't know it was possible but her love made a decent man out of me."
Kumunot ang noo ni Brylle. "Ibig sabihin, hindi ako totoong mahal ng asawa ko? Hindi kasi ako naging
disenteng tao." Nagkatawanan sila. Mayamaya ay nagseryoso na ang pinsan. "Paano na nga pala si
Iron Man ngayon?" Napailing si Brylle nang makita ang pagtataka sa anyo ni Throne. "I'm referring to
Jethro, silly. Sa tindi ng ginawa niya kay Cassandra, dadaigin niya pa si Iron Man sa tigas ng mukha
niya."
Muli siyang napabuntong-hininga. "Plano ko siyang kausapin pagbalik niya mula sa Thailand. I'll try to
be as calm as possible. After all, kapatid pa rin siya ng babaeng mahal ko." Natutop niya ang noo. "Sa
totoo lang, hindi ko alam kung ano'ng mangyayari pagkatapos. Cassandra will hate me-"
"Or she might understand you. Come on, Throne, upgrade your life. Sarili mo naman ang isipin mo.
Hindi sa sinasabi kong pabayaan mo ang kapatid mo. Pero hindi lang kay Cassandra iikot at titigil ang
mundo." Tinapik siya ni Brylle sa balikat. "Kailan nga pala ang kasal?"
Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Throne. "A month from now. Ayoko na kasing patagalin pa. Mahirap
na, moody pa naman ang mga babae. Baka magbago pa ang isip niya." Natawa na lang ang pinsan
pagkatapos ay sinabayan na siya papasok sa ospital.
Pagkarating nila sa kwarto ng kapatid ay nagulat pa si Throne nang masilip sa loob si Chad na yakap
ang lumuluha na namang si Cassandra. Pero tahimik na ang kapatid at himalang hindi nagwawala
nang mga sandaling iyon. Nagsalubong ang mga kilay niya at dahan-dahang pinihit pabukas ang
doorknob. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang tensiyon na bigla niyang naramdaman.
Maagap na tinakpan ni Throne ang bibig ni Brylle nang akmang magsasalita ito at sinenyasang
makinig na muna.
"Patawarin mo 'ko, Sandra. Hindi ko sinasadyang iwan ka. Naduwag lang ako na baka malaman ni
Regina." Biglang kumabog ang dibdib niya sa narinig. "I'm sorry about our baby. Bumalik ka na sa 'kin.
Wala na si Regina, bumalik na ulit sa Canada kasama ng mga bata. Malaya na uli tayo, love."
Napaawang ang bibig ni Throne. Ilang beses pa niyang inulit-ulit sa isip ang mga salitang binitiwan ni
Chad bago naramdaman ang pagragasa ng poot sa kanyang dibdib. All content is © N0velDrama.Org.
"Hell, so the real Iron Man was right in front of us all along?" hindi makapaniwalang bulong ni Brylle.
Throne gritted his teeth. "Teka, Throne, 'wag dito. Sa labas na lang tayo. Kung gusto mo, tutulungan pa
kita. Ospital pa rin 'to. Baka-"
"Wala akong pakialam." Malakas na itinulak niya ang pinto. Para namang nakakita ng multo ang itsura
ni Chad.
"Bakit mukha kang natuklaw ng ahas dyan, Chad? Heck, mali pala." His jaw clenched. "Imposible
palang mangyari 'yon dahil ikaw mismo ang ahas."
MAAGAP na hinila ni Throne sa balikat si Chad nang akmang tatakas ang lalaki sa kwarto. Habang
nakikita niya ang takot sa mga mata nito ay hindi naiwasang pumasok sa isip niya si Christmas at ang
plano niyang paghihiganti laban sa dalaga at sa kapatid nito. God... what was he thinking? Paano pala
kung naituloy niya ang paghihiganti? Christmas would have suffered for the rest of her life.
Hindi na napigilan ni Throne ang sunod-sunod na pag-angat ng kamao. Wala pa sana siyang balak na
tigilan si Chad kung hindi niya pa narinig ang pagsigaw ni Cassandra. Nahigit niya ang hininga nang
makita ang recognition sa mga mata ng kapatid nang lingunin niya ito. "N-nakakaalala ka na?"
Napayuko si Cassandra. "I'm sorry, Kuya Throne. I was... l-lost." Nabasag ang boses nito. "N-natakot
kasi akong harapin ang galit mo. Natakot akong bumalik sa dati. Natakot ako na... m-magsimula ulit
pagkatapos ng mga n-nangyari."
Throne knew he ought to be happy. But instead, he felt... deceived. "Kailan ka pa nakakaalala?"
"N-noong nakaraang linggo lang."
Nabitawan niya si Chad. Nagmamadali namang tumakas ang lalaki.
"What the hell? And do you think you're done here, Iron Man?" Sigaw ni Brylle bago sumunod kay
Chad. Pero binalewala na ni Throne ang dalawa at para bang nauubusan ng lakas na naupo siya sa
sahig. Naalala niya ang nabanggit sa kanya ng nurse na pagdalaw ni Chad noong nakaraang linggo
kay Cassandra. Iyon nga siguro ang nag-trigger para manumbalik sa dati ang kapatid.
He laughed but it sounded hollow in his ears. Dapat ay maging masaya siya dahil lumalabas na wala
naman pala talagang kasalanan si Jethro. Mapapakasalan niya na si Christmas nang hindi na
kailangang makonsensiya, but no. Because he felt... betrayed by the only family he ever had.
Habang pinagmamasdan ni Throne ang luhaang anyo ni Cassandra ay muli siyang inatake ng kanyang
konsensiya. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi na para sa kapatid... kundi para sa dalawang tao na
nadamay lang pala sa gulo.
"Magpaliwanag ka na bago pa tuluyang masagad ang pasensiya ko, Cassandra." Ilang sandali rin ang
inabot bago paputol-putol na inilahad sa kanya ng kapatid ang lahat. Naihilamos niya ang mga palad
sa kanyang mukha.
"You should meet Christmas, you know. Siya ang nag-iisang kapatid ng taong niloko mo. Who knows?
She might give you some tips on how to be considerate and sensitive," sarkastiko niyang sinabi bago
walang lingon-likod na iniwan sa kwarto ang kapatid. Pagkarating sa kanyang kotse ay agad niyang
tinawagan si Christmas.
"Hey... I love you."
Agad ding namasa ang mga mata ni Throne sa malambing na isinalubong sa kanya ng dalaga
pagkasagot nito sa kabilang linya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa cell phone. "Christmas
Llaneras," he whispered, his voice replete with shame and agony. "Why in the world did you fall in love
with a man like me?"
"I keep asking myself the same thing, you know," mahinang sagot ni Christmas pagkaraan ng
mahabang sandali. "Pero madalas, napu-frustrate lang ako dahil wala akong makuhang sagot. Gwapo
ka nga pero palagi namang mainit ang ulo mo. Maangas ka pa madalas, brutal, at magkaiba pa tayo
ng mga pinaniniwalaan sa buhay. You hate all the good things in the world. Bukod sa malaki pa ang
galit mo... sa mga tao sa paligid mo. Simply put, you're such a pain in the neck, Throne Vincent
Madrigal." Bahagyang natawa si Throne. "Pero gano'n nga yata talaga kapag nagmamahal. Walang
hinihinging dahilan... basta nagmamahal lang."
Nagulat si Throne nang mayamaya lang ay nawala na sa kabilang linya si Christmas. Busy tone na ang
sumunod na narinig niya. Pero hindi niya na muling inabala ang dalaga. Isinubsob niya ang ulo sa
manibela at mariing ipinikit ang mga mata. Mula nang malaman niya ang nangyari kay Cassandra ilang
buwan na ang nakararaan ay ngayon lang siya nakaramdam ng matinding kapaguran.
He never cried. Kahit noong iwan silang magkapatid ng kanilang mga magulang at pumanaw ang
abuelo nila ay hindi siya kailanman nagpakita ng kahinaan. But he made an exception at that very
moment. Because for the first time in his entire life, he let his tears... fall.
I'm sorry, Jethro and Chris... I will make it up to you, I promise.