CHAPTER 13
Mag-damag uminit ang ulo ko dahil kay Sachie na dinag-dagan pa ni Zhackary, kung pag samahin ko kaya sila ano?
“Na’ndito ka na pala Anak” takhang tanong ni Papa ng pumasok ito sa kwarto ko “Sa’n ka nang galing? Naikwento ni Zhack na lasing ka raw?” Ngumiti ako kay Papa
“Pa, pa’no mo masasabi na mahal mo na ang isang tao?” Tanong ko, bumuntong-hininga si Papa at umupo sa tabi ko dito sa kama
He caressed my hair softly “Hmm, hindi ko masabi anak ‘e” ngumiti siya sa kawalan na animong may ina-alala “Your mom was really annoying before, alam mo ‘yon? Kapag nakita mo siya maiinis ka dahil sobrang arte niya” he even chuckled “But nagising na lamang ako na gusto ko siya, I want to see her everyday, naiinis ako kapag may lumalapit sa kanya”
“At first, in denial ako dahil nga galit ako sa Mommy mo ‘e tapos gano’n bigla ang mararamdaman ko?” He laughed “If you love her because of looks, or dahil sa ugali niya? O kahit sabihin naten sige sa talino niya, That’s not love” he looked at me “That’s admiration, crush lang ba” he laughed “kase for me? walang rason kung bakit tayo naiinlove”
“Uhm.. yung sa ano.. kay Zhackary?” nahihiyang tanong ko
“Kung inlove ako sa Mama mo pero nagkaroon ako ng anak sa labas?” Diretsang tanong niya kaya naiilang akong tumango “18 years old si Zhackary while you’re 20, 1 year ang agwat….. Nang ikasal kami ng Mommy mo, marami siyang imperfections pero minahal ko lahat yun, while your Mom uhm, I guess she lost her feelings for me? Or should I say She never loved me.”
Nagugulat ko siyang tinignan, Never loved?!
“Fixed marriage.” Sabi niya na ikina-gulat ko ” Your Mom is the hottest chicks in our batch, Smart, pretty and Rich but ayoko sa kanya lagi siyang maligalig, maarte, perfectionist masyado pero nakita ko kung ano siya sa loob, lahat ba nang pinapakita niya ano… ano ba yon?”
“Defense mechanism?”
“Ay ayun! Oo! Malungkot sa loob ang Mama mo, Ewan ko kung bakit ako na inlove e HAHAHAHA!” natawa rin ako sa rason ni Papa ” Kontrolado ng Lolo at Lola mo ang buhay ni Mama mo, kaya nung sinabing ikakasal kami wala siyang nagawa, tuwang tuwa ako non kase crush ko Mama mo e'” Ngumiti siya sa picture frame na nasa tabi ng kama ko, Family Picture. ” Tatlong bwan matapos namin ikasal, may lalaki siya.”
Mabilis nangunot ang noo ko, tatlong bwan pa lang?!
“Dahil minahal ko na ang mama mo, nag bulag bulagan ako anak, hanggang sa umabot na Isa’t kalahating taon na ganun pa din siya” may bakas ng sakit sa mga mata ni Papa “Sinundan ko siya kung saan siya laging napunta pag umaalis, then there! I saw her…. with my most trusted buddy” gusto ko’ng patigilin sa pagkukwento si Papa ng makita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya “She’s inlove with my best friend, your Tito Gab”
What the fuck?! I heard it right pero parang ayaw tanggapin ng utak ko!
Si Tito Gab na hanggang ngayon ay napunta parin dito!
“Nagpakalasing ako then kinabukasan nagising na lang ako with someone, ayoko siyang iwan sa lugar na ‘yon dahil babae parin naman siya inantay ko siyang magising bago nagpaalam umalis, iniwan ko sa kanya ang number ko dahil gusto kong malaman kung may bunga ba ang nangyare” he looked so sad ” and after two weeks She called me, kamalas-malasa’ng Mama mo ang nakasagot, galit na galit siya n’on gusto niyang umalis kasama ka, eh kakapanganak niya palang hindi ko siya pinayagan”
“Wait, baby pa ako n’on? You mean She’s cheating while pregnant?!” He nodded sadly “A-ah hindi ka ba nagduda na baka hindi sa’yo ang bata?”
“At first yes, pero yung nilabas ka? HAHA! I was the happiest kase kamukhang kamukha kita may inggit parin sa akin noong inilabas ka” he looked at me “Kase nung nagising ang Mama mo, Si Gab ang gusto niyang makita”
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may sunod sunod na luha ang tumulo sa mata ni Papa, I hugged him tightly hoping na mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.
“Ang sakit anak, A-ako yung nag-alaga sa kanya, ako yung nagbantay sa kanya, Ako yung nagmahal” I heard him sobbed in my shoulder ” Ako y-yung Ama pero hindi niya tanggap” nararamdaman ko ang pagbasa ng damit ko pero hinayaan ko langText © by N0ve/lDrama.Org.
After a minute, tumigil siya sa pag iyak at humarap sa akin
“Alam mo yung pinanganak si Zhackary? ayaw ako papuntahin ng Lola mo d’on pero anak ko yon e’ ginawa ko ang lahat kahit nag banta sila na magsasampa ng kaso sa akin, handa ko’ng gawin ang lahat para kay Zhackary”
Nagulat ako ng biglang may dumagan sa’min ni Papa, It was Zhackary, he’s crying also.
Maybe he heard everything, who wouldn’t cry? All this time galit ang iba dahil sa ginawa ni papa even my lola’s and lolo’s, Sa daming ginawang mali ni Mama hinayaan ni Papa pero isang mali lang ni Papa halos pandirihan siya ng sariling pamilya.
I remembered when we went to my Lola–Mother side– then nagtataka sila bakit daw kami kasama ni Papa.
“Naku, kayo talaga” mahinang ginulo ni Papa ang buhok namin at hinalikan ang tuktok ng ulo namin “Matulog na nga kayo, alas-onse na oh!” Tatawa tawa siyang tumayo at nag-punas ng luha bago masayang tumingin sa amin “Ngayon na lamang tayo nakapag-usap ng ganito, Nakaka-miss ang Mama niyo”
Zhackary’s forehead creased “You still miss her kahit gan’on ang ginawa niya s-sayo?”
My father nodded sadly “Mahal ko ‘e” he closed his eyes, pinipigilan ang nagba-badyang pa-tulo ng pani-bagong luha “Hanggang ngayon, umaasa pa rin akong ma-mahalin ako ng Mama niyo”
Sumikip ang dibdib ko, Ang tapang ni Papa kase siguro kung ako yon? matagal na akong sumuko, 20 years, 20 years na siyang nagtitiis dahil sa pagmamahal niya kay Mama.
“Kaya kayo….. Fall in love with the person who made you believes in soulmate when you had no hope there was anyone in this world who was right for you” he then smiled weakly
“Magsi-tulog na kayo, may pasok kayo bukas” ngumiti sa’min si Papa bago lumabas ng kwarto ko
“Ate” napa-tingin ako kay Zhackary “D-do you miss our Mom?” Napangiti ako, Ina parin para sa kanya si Mama kahit nalaman niyang hindi niya ito tunay na ina
“Syempre, nanay ko pa’din naman siya”
“Gusto ko’ng makita si Mama” ngumiti siya “I mean yung tunay kong Nanay, gustong gusto ko siya makita”
“I will help you, okay?”I hugged him “Nandito lang si Ate”