Kabanata 99
Kabanata 99
Nang marinig ang bawat salitang nagmula sa labi ni Madeline, kumunot ang noo ni Jeremy, biglang
nagulo ang tibok ng puso niya.
"Jeremy, kapag dk mo pa ako pinatay ngayon. Sisiguraduhin kong papatayin kita at ipaghihiganti ko
ang anak ko."
Mas matatag na ang malinaw niyang mata gaya ng dati.
Walang-pakeng ngumiti si Jeremy. "Maghihintay ako."
Tumayo siya nang sinabi niya ito at basta na lang umalis.
Matapos panuorin na unti-unting naglalaho ang itim na anino sa kanyang paningin, sa isang iglap ay
parang nawalan ng lakas at dugo si Madeline nang lupaypay siyang sumandal sa baul ng kanyang lolo.
Muling tumulo ang maiinit na luha ngunit ang puso niya ay namanhid na sa sakit.
Subalit, hindi pa ito tapos dahil biglang lumitaw si Meredith.
May hawak na kutsilyo si Meredith nang makita niya si Madeline na nakahiga sa sahig habang hawak
ang baul. Lumapit si Meredith kay Madeline at yumuko, lumapit para hilahin ang maikli niyng buhok.
"Tsk tsk, sinabi ko na sayo na huwag kang lalaban sa akin. Takot ka na ba ngayon?" Content rights by NôvelDr//ama.Org.
Suminghal si Madeline, hindi na nagbabalak na magsayang ng hininga at enerhiya. "Meredith, ikaw
nakakamuhing babae ka, patayin mo ako kung matapang ka!"
"Haha… gusto mong mamatay? Oh, pero di ako ganon kalupit." Nagpanggap na tumawa si Meredith.
"Subalit, sinabi ni Jeremy na ginulo mo ang mukha ng pinakamamahal niyang anak, kaya dodoblehin
ko ang balik."
Kasabay ng mababang boses ni Meredith, biglang nakaramdam si Madeline ng matalim na sakit sa
kanang bahagi ng mukha niya.
Nanginig si Madeline mula sa nakakapunit na sakit, ngunit hindi siya gumawa ng kahit na anong tunog,
pwersahang tiniis ang matinding sakit.
Clang!
Initsa ni Meredith ang kutsliyo sa harap ni Madeline, pagkatapos ay itinaas ang kanyang paa at sinipa
nang malakas si Madeline.
"Bah! P*ta ka! Dapat noon ka pa namatay!" Bigla siyang tumalikod at umalis.
Hirap na tumayo si Madeline. Hinawakan niya ang kanyang pisngi na hiniwa nang dalawang beses
gamit ng nangangatog niyang palad. Hindi na niya maramdaman ang sakit.
Dumaloy ang dugo sa pagitan ng kanyang mga daliri, tumulo bawat patak sa sahig, nahaluan ng ulan
at niyebe. Habang parami nang paramu, naging lubos na nakakasilaw ito.
Sa huling hingal niya, bumagsak si Madeline sa abo ng kanyang lolo. Nang mapanoog na isa-isang
nalalaglag ang niyebe, hindi niya mapigilang isipin ang masasayang oras na natamasa niya kasama si
Jeremy.
Subalit ang lahat ng it ay parang niyebe na naabot niya sa sandaling ito. Sa sandaling bitawan niya ito,
wala na, hindi maindang sakit na lang ang naiiwan…
------
Humiga sa kama si Madeline sa loob ng tatlong araw at sa unang pagkakataon na gumising siya, ang
unang taong nakita niya ay si Ava.
Tumingin si Ava kay Madeline nang namumula ang mga mata, hindi ito mainda at ang puso niya ay
madudurog na. Hindi niya alam kung ano ang pinagdaanan ni Madeline, ngunit sigurado siya na ang
dalawang mamamatay-tao, si Meredith at Jeremy ay malamang na may kinalaman mula sa mga pasa
sa kanyang likod.
Kahit na ganin, ngumiti lang si Madeline at pinagaan ang loob ni Ava. "Ava, wag kang maawa sa akin.
Kung may susunod na buhay, maging magkapatif ulit tayo."
Umiyak si Ava at niyakap ang payat na katawan ni Madeline. "Ayaw ko ng susunod na buhay. Gusto ko
ang buhay na ito, gusto kong umabot ito ng mahabang-mahabang panahon!"
"Sabagay, ang buhay na ito, ay isang mahabang-mahabang buhay…" binuksan ni Madeline ang
maputla niyang labi para sumagot. Gusto niyang tumawa, ngunit tumulo ang kanyang mga luha.
Wala nang ihahaba pa ang buhay niya.
Nagpahinga si Madeline nang ilang mga araw at nang hindi na balot ng gasa ang mukha niya, bumalik
siya sa pagtatrabaho.
Kahit na di na kailangan ng gasa, halata pa rin ang hugis ekis na sugat sa kanyang pisngi. Maikli na
ang buhok niya ngayon at mahirap parasa kanya na takpan ang kanyang sugat sa pisngi.
Nang makita ito ng mga katrabaho niya, hindi nila mapigilan na magbulungan.
Dalawang babaeng katrabaho niya ang lumpait para magtanong na tila ba nag-aalala, pero hindi. Ito ay
para lang mapunan ang kanilang pagtataka.
Isang bidyo na pinapkitang sinasaktan ni Madeline si Meredith ang unti-unting kumalat sa internet.
Unti-unti, inisip ng ilang mga tao na isa itong leksyon ky Madeline dahil inapi niya s Meredith at ang
mga titigan ng kanyang mga katrabaho ay naging kakaiba. Halos lahat sila ay kwinestiyon si Madeline,
si Elizabeth lamang ang naiinis na nagsalita. "Ang mga bidyo na iyon sa internet ay puro peke. Hindi
ganon ang mukha ni Madeline dahil may ginalit siyang hindi niya dapat ginalit. Diba Madeline?"
Sa huli, gusto lang talaga ni Elizabeth na mapunan ang kanyang pagtataka.
Sa harap ng pagtatanong at nagtatakang mga tingin, mahinahong ngumiti si Madeline. "Totoo yon,
sinaktan ko si Madeline kasi nararapat lang sa kanya yun. Kung kaya ko, talagang gugustuhin ko
siyang patayin.