Kabanata 86
Kabanata 86
Hindi handa si Madeline. Iniunat niya ang kanyang kamay para kumuha ng mga tisyu para punasan
ang dugo. Hindi niya alam kung bakit siya sumuka ng dugo, pero hindi niya hahayaang makita ito ni
Jeremy.
"Madeline! Wala akong pakialam kung ayaw mong kumain, pero bakit mo dinumihan ang pagkain na
hinanda ko?"
Hindi napansin ni Mrs. Whitman na mayroong dugo sa sinukang curry ni Madeline. Tinuro niya si
Madeline at nangagalaiting tumili.
"Sabihin mo muna sa'kin bago ka pumunta rito sa susunod para lalayo ako sa'yo! Ayaw na kitang
makita kahit na kailan!"
"Huwag kang magalit, Mrs. Whitman." Kaagad na lumapit si Meredith para pakalmahin siya. Subalit,
hindi niya nakalimutang lingunin si Madeline at ngumisi sa kanya.
Malinaw na nakita niya na sumusuka ng dugo si Madeline.
Alam na alam niya na hindi na maaaring operahan ang tumor ni Madeline. Iikli na ang kanyang buhay
kapag kumain siya ng bawal na pagkain para sa kanya.
Kapag namatay si Madeline, mapupunta na sa kanya ang pagkakataon na maging legal na asawa.
"Sinusubukan mo ba akong mandiri?" Galit na sumigaw si Jeremy sa kanyang tabi.
Tiniis ni Madeline ang humihilab na sakit sa kanyang sikmura at tinakpan ang kanyang bibig. Hindi
nawala ang lasa ng dugo sa kanyang lalamunan. Natatakot siya na baka sumuka pa siya ng mas
maraming dugo kapag binuksan niya ang kanyang bibig.This content belongs to Nô/velDra/ma.Org .
"Jeremy, 'wag kang magalit. Hindi ito sinasadya ni Maddie." Kalmado ang tono ni Felipe at nag-aalala
siya para kay Madeline. "Ayos ka lang ba?"
Halos mapaiyak si Madeline. Sa huli, ang taong pinakanag-aalala sa kanya ay ang taong nakilala niya
mga ilang araw lang ang nakalipas.
Pinigilan niya ang pagpatak ng kanyang luha at umiling.
"Ayos lang ako…" Pinilit niyang magsalita sa pagitan ng kanyang mga ngipin.
Subalit nagalit si Jeremy sa sagot niya. "Nagpanggap kang patay noong kinausap kita pero sa kabilang
banda, hindi ka makapaghintay na sagutin siya kapag tinatanong ka niya. Iba ka talaga, Madeline!"
Galit niyang hinila si Madeline. Sa sandaling ito, narinig ang boses ng old master mula sa taas.
"Bakit ang ingay dito?"
Naningkit ang mga mata ng old master. Parang kakagising lang ang kanyang itsura.
"Tapos ka na bang kumain? Kung tapos ka na, umuwi ka na." Tinignan niya si Jeremy na hawak si
Madeline at ngumiti. "Sige na, umuwi na kayo at gumawa ng bata. Naghihintay ako na bigyan ako ni
Maddie ng isang malusog na apo."
Isang malusog na apo.
Nagsimulang umiyak si Madeline. Tumulo ang kanyang luha sa likod ng kamay ni Jeremy.
Pinigilan ni Jeremy ang kanyang galit at hinila si Madeline sa kanyang mga bisig. Ngumiti siya sa old
master. "Huwag kang mag-alala, lolo. Uuwi na ako at gagawa na kami ng anak ni Maddie."
Maayos ang kanyang tono pero alam ni Madeline na galit siya. Galit na galit.
Pinilit ni Jeremy ang kanyang sarili na tumalikod habang hawak si Madeline. Nang madaanan niya si
Felipe, tinignan niya ito nang may poot sa kanyang mga mata.
Mabilis na nagmaneho pauwi si Jeremy. Nang huminto ang kotse, nagmadali si Madeline sa banyo at
nagsimulang magsuka.
Nang makita niya ang dugo sa lababo, namutla ang kanyang mukha. Nanghihina niyang sinuportahan
ang kanyang sarili sa lababo.
Lumalala na ba ang kanyang tumor?
Mamamatay na ba siya?
Tinignan niya ang kanyang repleksyon sa salamin. Para siyang multo sa sobrang kaputlaan.
Lumapit nang lumapit ang mga yabag ni Jeremy. Mabilis na binuksan ni Madeline ang gripo para
hugasan ang dugo. Pagkatapos ay nagmadali siyang nagmumog.
Pagkatapos niyang maglinis ay hinila siya ni Jeremy.
"Bakit napakadumi mo, Madeline? Hm? Ayos lang kung gusto mo akong mandiri, pero gusto mo pang
idamay ang pamilya ko!"
Lupaypay na bumagsak si Madeline sa kanyang dibdib. Nahihilo siya. Hindi pa rin nawawala ang
mahapding pakiramdam sa kanyang sikmura.
Gusto niya sanang tumakbo, pero hinila siya ni Jeremy sa gilid ng bath tub na para bang nahihibang.
Kinuha niya ang showerhead at binasa ng malamig na tubig ang kanyang mukha at katawan .
Nasa loob sila ng bahay kung saan nakapatay ang heater sa gitna ng tag-lamig.