Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 73



Kabanata 73

Nang naisip ni Madeline na hindi siya makakailag, isang matangkad at matikas na anyo ang lumitaw sa

kanyang harapan.

Tumapon ang kape ni Meredith sa bagong plantsang damit ng lalaki.

Napakabilis ng pangyayari na sina Madeline at Meredith ay parehong nagulat.

"Miss, pwede kitang kasuhan ng assault dahil lang sa ginawa mong pagtapon ng mainit na kape sa

ibang tao," sabi ng lalaki. Malalim at suwabe ang kanyang boses, parang red wine sa kanilang tainga.

Hindi kagaya ng sa iba ang kanyang tindig.

Tinignan muna ni Meredith ang mukha ng lalaki bago mayabang na nagsalita pagkatapos niyang

matauhan, "Tsk! Tinatakot mo ba ako? Eh ano naman ngayon kung sasaktan ko siya? Sasaktan ko

talaga yang p*ta na 'to. Bakit ka biglang humarang?"

"Si Miss Crawford ay empleyado ko. Bilang kanyang superior, mayroon akong responsibilidad na

protektahan ang aking staff."

Nang marinig ito ni Madeline ay sobra ang gulat niya.

Nang may sasabihin sana siya, nagtagpo ang kanyang mata at ang mga malalim na mata ng lalaki.

Nabigla siya dahil pakiramdam niya ay pamilyar ito.

"Haha." Humagalpak si Meredith. "Talagang tinanggap mo ang babaeng ito? 'Di mo ba siya kilala? Siya

ang plagiarizing b*tch na kilala ng buong Glendale! Wala sa mga jewelry company ang gustong

tanggapin siya sa trabaho. Kapag ginawa nila 'yon, makakalaban nila ang mga Whitman at mga

Montgomery!"

Walang pakialam ang lalaki sa mga pagbabanta ni Meredith. "Ang mga Montgomery? Mga Whitman?

Hintayin mo na lang ang liham galing sa abogado ko. Titiyakin ko na malaman kung bakit ka biglang

nananakit ng ibang tao."

Pagkatapos nito itong kalmadong sabihin, tinignan niya si Madeline. "Sumama ka sa'kin."

Tinignan ni Madeline si Meredith na mukhang gulat na gulat bago sinundan ang lalaki.

Hindi inaasahan ni Meredith na mabibigyan siya ng leksyon. Binato niya ang baso ng kape sa lapag at

tumakbo para magsumbong kay Jeremy.

Tinitigan ni Madeline ang lalaking kanyang katabi nang sila ay nasa elevator.

Sita ay matangkad at mayroong magandang anyo. Mayroon siyang ere ng isang dakila at malalapitang

pinuno.

Nag-isip muna sandali si Madeline bago nagsalita, "Salamat sa muling pagtulong mo sa'kin." Ang

lalaking ito ang nagdala sa kanya sa ospital noong araw na iyon. Sigurado siya.

Nang marinig ito ng lalaki, yumuko siya para tignan si Madeline. Bahagya siyang ngumiti. "Akala ko 'di

mo maaalala kung anong nangyari noong araw na hinimatay ka. Sa tingin ko malinaw na naaalala mo

ako."

Malaro ang kanyang tono na bahagyang nagpakalma sa kaba ni Madeline.

Pakiramdam ni Madeline, ang matindi niyang kalungkutan ay naging kaligayahan. Hindi lang sa

dalawang beses siyang niligtas ng lalaking ito, pero siya rin ang chief director-general ng kumpanya na

ito na kanyang balak pasukan.

Mabilis niyang tinanggap sa trabaho si Madeline at nagsabing may tiwala siya sa kanya.

Nang makaalis siya sa opisina, balak hiramin ni Madeline ang kanyang namantsahang mga damit.

Gusto niya itong labhan para sa kanya pag-uwi niya.

Hindi siya tumanggi at hinayaan siyang kunin ang mga iyon.

Sa wakas ay nakahanap na si Madeline ng maayos na trabaho. At saka, mababait ang kanyang mga

katrabaho. Kaagad itong ibinalita ni Madeline kay Ava at sinabihan naman siya na ililibre siya ng

hapunan para magdiwang. Content © NôvelDrama.Org.

Kung hindi pumayag si Madeline na makipagkita kay Ava, hindi niya sana gustong umalis kahit na oras

na para umalis ng trabaho. Mahal niya ang kanyang kasalukuyang trabaho at kaya niyang

makalimutan ang kanyang malungkot na nakaraan sa pamamagitan ng pagtatrabaho.

Nang nasa pintuan si Madeline, huminto sa kanyang tabi ang kulay pilak na kotse. Bumaba ang

salamin ng bintana at lumitaw mula rito ang makisig na mukhang iyon.

"Sakay ka. Meron akong itatanong sa'yo."

Nagdadalawang isip si Madeline. Subalit naalala niya kung paano siya nito tinulungan kaya wala

siyang dahilan para tanggihan ito. Sa huli ay tumango siya.

Subalit nang binuksan ni Madeline ang pinto para makapasok, isa pang pamilyar na itim na kotse ang

biglang huminto sa kanyang harapan. Mabubundol na siya nito kung umandar pa ito ng ilang mga

pulgada.

Sobrang nagulat si Madeline na napahinto siya. Nakita niya na naglalakad papalapit si Jeremy na

walang emosyon sa kanyang mukha, sabay tumingin siya sa lalaki sa loob ng kotse na may pekeng

ngiti.

"Hindi mo na kailangang maging ganito kagalang, Uncle. Susunduin ko ang asawa ko mula sa trabaho.

Hindi mo na kailangang gawin ang lahat ng ito."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.