Kabanata 58
Kabanata 58
Tinuro ni Meredith si Madeline at sinigawan ito. Inabandona niya ang natura niyang hipokrito at
mahinhin na imahe.
Hindi nagulat si Mrs. Hughes sa tapang at bagsik ni Meredith. Halatang nakita na niya ang tunay na
ugali ni Meredith noon pa.
Gusto nang umalis ni Madeline noong una, ngunit nang makitang nababagabag at naiinis na si
Meredith sa sandaling ito, basta na lang siya umupo sa sofa at kaagad na nagsalita. "Ako ang
matriarch ng bahay na ito, kaya nakakapagtaka ba kung bakit ako nandito? Ang kakaiba ay bakit
nandito sa bahay ko ang isang tigalabas na tulad mo?"
"Ikaw ang matriarch ng bahay na ito?" Tila ba nakarinig ng isang malaking biro si Meredith. "Madeline,
naging tanga ka ba nung nasa presinto ka? Ako ang tunay na matriarch ng bahay na ito! Isa ka lamang
aso na hinahabol si Jeremy!"
Labis na mapanlait at mapanirang-puri ang mga salita niya. Mukha siyang galit sa kanyang
nagngangalit na mga ngipin, at wala siyang tindig ng isang dalagang nagmula sa isang mayamang
pamilya.
Bahagyang humagikhik si Madeline. "Kung aso ako, ikaw din. Wag mong kakalimutan na binigay ko
ang aking lapay para iligtas buhay mo. Dumadaloy ang dugo ko sa katawan mo."
Biglang nanigas si Meredith nang kumirot ang mga kanto ng kanyang bibig. "Madeline, ikaw…" naiinis
niyang tinignan ang inosenteng si Mrs. Hughes. "May Alzheimer's ka ba? Ang kapal ng mukha mo na
papasukin ang mga walang kwentang tao? Palayasin mo kaagad siya. Wag kang umasang
mapapanatili mo pa ang trabaho mo pagbalik ni Jeremy at nakita siya."
Naaaliw na tinignan ni Madeline si Meredith nang sasabog na ito. Pagkatapos, dahan-dahan niyang
sinabi, "Mrs. Hughes, sabihin mo sa kanya kung sinong nagdala sa akin dito."
Kahit na nakatulog si Madeline sa pagod matapos umiyak kanina, hindi siya tanga. Sino pa bang
maglalakas-loob na gawin ito bukod kay Jeremy?
Takot na sinulyapan ni Mrs. Hughes si Meredith at sinabi, "Opo, si Mr. Whitman ang nagdala kay
madam pabalik. Atsaka, sinabi rin ni Mr. Whitman na dito muna siya titira pansamantala."
Kahit na malapit sa hula niya ang sagot, nabigla pa rin si Madeline sa huling sinabi ni Mrs. Hughes.
"Anong kalokohan ang sinasabi mo? Bakit dadalhin ni Jeremy ang pokp*ok na ito?"
Gulat pa rin si Madeline nang marinig niya ang matinis ja sagot ni Meredith.
Tumingin siya sa taas at nakita na nanlalaki ang mga mata ni Meredith sa galit. Mukha siyang sasabog
na. Kaagad gumaan ang loob no Madeline dahil dito.
"Meredith di ba parang masyado namang katawa-tawa yang sinasabi mo? Ako ang legal na asawa ni
Jeremy. Anong nakakapagtaka sa pagdadala ng lalaki sa asawa niya? Atsaka, bakit galit na galit ka?
Talaga bang inaakala mo na mula sa pagiging kabit ay magiging ikaw ka ang legal ba asawa sa loob
ng tatlong taon na wala ako? Habang-buhay ka nang magiging kabit mula noong mapagdesisyunan
mong isang kabit!"
Mas nanggigil si Meredith nang marinig niyang sabihin ito ni Madeline.
Inakala niya na lamang siya kay Madeline sa lahat ng bagay. Ang tangimg bagay na talo siya kay
Madeline ay ang posisyon ng pagiging Mrs. Whitman.
Balak niyang paalisin si Madeline sa pwestong iyon at patigilin ang mga tao na tawagin siyang kabit.
"Anong tinitingin mo? Lumayas ka!" Ibinuntong ni Meredith ang galit niya kay Mrs. Hughes.
Tumayo si Madeline at Sinab, "Mrs. Jughes, nagugutom ako. Pakihanda ang lamesa para sa akin at
maya-maya ay bababa na ako."
Miserable pa rin ang pakiramdam ni Mrs. Hughes na hindi niya naiwasan ang away na ito. Nang
marinig ang mga sinabi ni Madeline, tumango siya at umalis.
Nang makita na siya at si Madeline na lamang ang naiwan sa kwarto, di na mapigilan ni Meredith ang
kanyang mga kamay. Iniangat niya ang kanyang kamay at sinampal si Madeline sa mukha.
"P*ta ka!" Sigaw niya, mukhang mataray.
Naihanda na ni Madeline ang depensa niya laban kay Meredith kaya nagawa niyang maiwasan ito.
Inihawi ni Meredith ang kanyang kamay at hangin lamang ang nahagip. Dahil sa sobrang lakas, muntik Owned by NôvelDrama.Org.
na siyang matumba.
Mang makita niya si Madeline na na masayang nakatingin sa kanya, nagngitngitan ang kanyang mga
ngipin.
"Madeline, wag ka masyadong matuwa sa sarili mo. Pansamantala ka lang na kinukupkop ni Jeremy
para sa matanda sa kanyang pamilya. Di magtatagal, ang posisyon bilang Mrs. Whitman ay
mapapasaakin!" Sinabi niya habang nagngangalit ang mga ngipin.
Bahagyang tumawa si Madeline. "Yan din ang sinabi mo noong nakaraang tatlong taon."
"..." Nakakuha na si Meredith ng kaunting lakas ng loob. Ngunit matapos marinig ang sinabi ni
Madeline, muli siyang nanlumo.
"Meredith, wag ka masyadong nagmamalaki. Ang mga gumagawa ng masama ay mapaparusahan din
kalaunan. Hintayin mo lang. Ipaghihiganti ko ang anak ko."
Pagkatapos niyang sabihin iyon, naglakad si Madeline palayo nang hindi naapektuhan.