Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 35



Kabanata 35

"Bakit ko ba niligtas gamit ng bone marrow ko ang isang bruhang gaya mo? Nahulog ang loob ni

Jeremy sayo kasi bulag siya!"

Paulit-ulit na pinagsasampal ni Madeline si Meredith. Naglabasan ang lahat ng tao sa bahay nang

marinig nila ang gulo.

Noong makita ni Rose na sinasampal ni Madeline si Meredith, sumugod siya at hinablot ang buhok ni

Madeline. Sinipa niya si Madeline, ngunit hindi ito bumitaw kay Meredith.

"Jeremy, tulong! Tulungan mo 'ko Jeremy! Papatayin ako ni Madeline!"

Nagsisigaw si Meredith. Sa wakas ay narinig siya ni Jeremy.

"Madeline, nababaliw ka na ba?" Hinila ni Jeremy ang nagwawala ng si Madeline palayo. Pagkatapos

nito, niyakap niya si Meredith.

"Boohoo… Jeremy, sobrang sakit. Ang sakit ng mukha ko! Nababaliw na si Maddie!" Ang sumbong ni

Meredith habang nakasandal siya kay Jeremy.

Lumapit sa kanila si Madeline. "Meredith, huwag ka ngang magpanggap. Ako nga dapat yung umiiyak!

Bakit ba nakilala ko ang plastic na gaya mo?"

"Jeremy, tingnan mo! Sinisigawan at pinagsasampal ng p*tang yan si Mer sa harap mo tapos sinasabi

pa rin niya na may ginawang masama sa kanya si Mer. Matagal mo na dapat hiniwalayan ang babaeng

'to!" Agad na sinaklolohan ni Rose ang anak niya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jeremy. Nakakatakot ang malalamig na titig niya.

“Madeline!”

Sumigaw siya at tiningnan ng masama si Madeline na para bang gusto niyang punitin ito.

"Inuubos mo talaga ang pasensya ko. Gusto mo na bang mamatay?"

"Heh." Suminghal si Madeline. Totoo namang mamamatay siya ng maaga. "Jeremy, buksan mo ang

mga mata mo. Tao ba Yang kaharap mo o hayop?"

Slap! Sinampal ni Rose si Madeline. "Paano mo nasabi yan kay Mer?"

"Hayop siya!" Tumingin ng deretso si Madeline sa mga mata ni Jeremy. "Alam mo ba kung anong

masasamang bagay ang ginawa ng darling mo? Pinadukot niya ang lolo ko at hinihingan ako ng

sampung milyon!"

"Maddie, ano bang sinasabi mo? Bakit ko naman gagawin yun?" Ang mahinhing sinabi ni Meredith.

Mukha siyang inosente at malungkot. "Kahit na hindi ko siya tunay na lolo, magkapatid pa rin tayo.

Parang lolo ko na rin si Len. Tsaka, bakit ko naman siya ipapadukot?"

"Gusto mo akong gantihan! Gusto mo akong ipitin!"

"Hindi ko…" Tumulo ang luha mula sa mga mata ni Meredith. Umiling siya. "Jeremy, mani wala ka

sakin. Hindi ko ginawa yun. Kung totoo ang sinasabi niya, sinusumpa ko na mamamatay ang anak

natin!"

"Mer, tanga ka ba? Bakit ka sumusumpa ng ganyan dahil lang sa bwisit na 'to?" Sumama ang loob ni

Rose.

Subalit, mahinahon lamang si Meredith. "Hindi ko ginawa yun, hindi ako natatakot."

"Hehe." Natawa si Madeline. Ang pinaka nakakatawa ay pinaniwalaan siya ni Jeremy.

Hinigpitan niya lalo ang yakap niya kay Meredith habang tinitingnan ng masama si Madeline.

"Sabi mo dinukot ang lolo mo?"

"Oo!" Kampante si Madeline. "Inamin niya sakin yung ginawa niya ngayon lang!"

Tumingin sa kanya si Jeremy at hindi nagsalita. Pagkatapos, inilabas niya ang kanyang phone at All content © N/.ôvel/Dr/ama.Org.

tinawagan ang ospital kung saan nagpapagamot si Len. Tinanong niya kung may nawawala bang

pasyente na Len ang pangalan.

Naka-speaker siya, at agad na narinig ni Madeline ang boses ng nurse. "Hindi, natutulog siya ngayon."

Malinaw at eksakto ang bawat salita. Pakiramdam ni Madeline ay nagyelo ang buong katawan niya.

Nakita niyang puno ng galit ang mga mata ni Jeremy. Hindi niya binaba agad ang telepono. Sa halip,

nagtanong siya, "Kamusta yung matanda na yun? May cancer ba siya sa baga?"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.