Kabanata 15
Kabanata 15
Napabilis ang tibok ng puso ni Madeline sa hindi inaasahang matamis na pakikitungo nito. Namula rin
siya nang bahagya.
Itinaas niya ang kanyang ulo para tignan si Jeremy. Ang gwapo niya talaga kahit nakatagilid, subalit tila
ba wala na namang paki ang mukha nito.
“Andito si Lolo.”
Sinabi niya ang tatlong salitang iyon nang malamig at agad itong naunawaan ni Madeline.
Gusto lamang niyang magpanggap na maayos sila sa harap ng Old Master Whitman. Nanlamig na
naman ang puso ni Madeline, at naramdaman niyang isang kabalintunaan ang lahat.
Walang ibang tao sa hapag. Kung mayroon, si Meredith lang.
Mabuti ang mga mata ni Old Master Whitman. Subalit, sa hindi maipaliwanag na dahilan, pamilyar siya.
Tila ba nagkita na sila dati.
Ang ikinagulat ni Madeline ay kung paanong hindi pinansin ni Jeremy si Meredith at inasikaso lamang
siya nito upang mapasaya ang old master.
Hindi lamang siya nito pinagdalhan ng pagkain, kundi pinagbalat pa siya nito ng hipon. Ito ang unang
beses na nakita ni Madeline ang banayad na ngiti ni Jeremy.
Umangat ang tingin ni Madeline kay Meredith. Pinuwersa nitong ngumiti, halata namang hindi siya
masaya sa nangyayari.
Tila ba panaginip ang lahat. Subalit, alam niyang matatapos na ito.
Matapos ang hapunan, hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline papunta sa garahe. Umabot ang
init na ito sa puso ni Madeline kaya agad siyang namula. Gusto na lamang niyang manatili sa
pagkakataong ito.
Ganoon pa man, malupit ang katotohanan.
Nang makarating na sila sa gilid ng kotse, inalis ni Jeremy ang kamay ni Madeline sa pandidiri.
“Umalis ka na.”
Biglang nagulantang si Madeline sa ginawa nito.
Pinanood niyang buksan ni Jeremy ang pinto para kay Meredith na sumunod sa kanila. Sunod,
nakatulala na lamang siya habang papaalis ang kotse at nawala na sila sa paningin ni Madeline.
Naiwan si Madeline na mag-isa sa isang madilim na daan. Tumama ang hangin sa mukha niya, at
nabalot ng kalamigan ang kanyang puso. Dagdag pa roon, tinangay rin ng hanging ito ang
pagpapanggap na mahal nila ang isa’t isa kanina.
…
Sa gabing iyon, hindi umuwi si Jeremy gaya nang nakasanayan.
Habang iniisip na may hawak na ibang babae ang lalaking mahal niya, at nakikipaglambingan ito doon,
naghanap na lang si Madeline ng mga impormasyon tungkol sa sakit niya. Nanakit ang puso niya sa
mga nabasa.
Hindi maganda ang posisyon ng kanyang tumor. May malaking panganib kapag nagpa-surgery siya.
Kahit ipalaglag ang bata, maaari pa ring may mangyaring masama sa kanya.
Kung iyon nga ang kaso, handa siyang subukin ang tadhana at ipanganak ang batang bunga niya at ni
Jeremy.
Kinabukasan, gumising nang maaga si Madeline at nagpunta muli sa ospital. Matapos niyang makuha
ang resulta, sumuko na siya.
Nang makita niya ito, naluha siya.
‘Jeremy, akala ko makukulit kita habambuhay kahit galit ka pa sa akin. Pero hindi ko naman
inaasahang ganito pala kaiksi ang buhay ko…’
Naglalakad siya sa isang kalye habang nakatulala nang makatanggap siya ng isang mensahe mula sa
isang estranghero. Nang buksan niya ito, nakita niya ang isang video.
Ito ang video kung saan pinaratangan siyang nagnakaw ng bracelet.
Ganoon din, nakuha nito ang mismong eksena kung saan pasikretong nilagay ni Meredith ang bracelet
sa bulsa niya.
Hindi kilala ni Madeline kung sino ang nagpadala ng video, subalit agad siyang nagpasalamat.
Hindi na siya nag-isip pa at agad na pumunta sa opisina ni Jeremy.
Kahit kaunti na lang ang nalalabi niyang oras, hindi niya hahayaang patuloy na lokohin ng babaeng
iyon si Jeremy.
Dumating siya sa gusali ng Whitman Corporation. Nang tanungin siya ng receptionist kung sino siya,
nakatingin ito ng may halong pagtataka sa mga mata.
Pagkapasok ni Madeline sa elevator, nakarinig siya ng maraming diskusyon tungkol sa kanya.
Binuksan niya ang Twitter at nakita ang insidenteng nangyari kagabi.
Pinapagalitan siya ng lahat ng comments at tinatawag siyang magnanakaw. Dagdag pa roon, sinabi
nilang ang isang pangit na kagaya niya ay laging magiging pangit. Pagkatapos pakasalan ang isang
gaya ni Jeremy, wala pa rin siyang kwenta bilang babae.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at pumunta sa opisina ni Jeremy. Katatapos niya lamang sa isang
meeting at nakita niyang tumatakbo si Madeline. Malamig ang kanyang mga mata. “Bakit ka naririto?
Hindi mo ba alam kung gaano ka ka-sikat?” NôvelD(ram)a.ôrg owns this content.
Sinasabi niya ang tungkol sa nangyari kagabi.
Binuksan ni Madeline ang video na pinadala sa kanya ng estranghero at saka ito inabot kay Jeremy.
“Tingnan mo. Makikita mo kung sino ang tunay na magnanakaw.”